Pano?

Ask ko lang pano ko sasabihin sa asawa ko na ayaw ko sa kanila tumira? Hindi kasi ako komportable sa bahay nila pati na sa mga tao dun. Ang dumi ng bahay, ang ingay laging may nagsisigawan (parang squatter type sakanila), wala kang halos privacy kasi ang daming tambay, ang daming chismosa, tabi pa ng ilat at bahain kaya nagwoworry din ako kasi baka makasama kay baby lalo na't kabuwanan ko na. Tapos yung asawa ko pa halos di na ko maasikaso dahil inuuna niyang maginom kasama mga tambay sakanila. Yung ate niya pa masyadong nakadepende sa asawa ko eh may pamilya na rin naman kami. Hindi masama tumulong sa pamilya pero halos asawa ko na nagaalaga sa anak ng ate niya, etong ate niya hinahayaan lang tong anak niya parang walang pake. Nakakaurat na kasi.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo po c Mister nyo,same situation tau. Ang prob ko lang is ung anak nya (tamad kc maligo,kung saan2 naupo,di nagtsi tsinelas tas aakyat sa kama na ganun). Bago kami lumipat ni baby sa bahay ng tatay nya nagsabi na ako agad na ayoko ng marumi ayokong may aakyat sa kama na madumi ang paa kc may baby tau. Pag may ganyang senaryong ngyayari uuwi kami sa bahay (konting panakot nakot). Ganyan2.. konting paintindi lang sis.

Magbasa pa