Pneumonia

Share lang.. I have a 1 month and 20days old baby. Naconfine sa hospital dahil sa pneumonia. Found out na dahil yun sa 3rd hand smoke. Nakakainis lang kasi yung mga biyenan ko sinisisi ako sa nangyari. Yung ate ng asawa ko (walang anak) sabi pabaya daw akong parent at di ko kayang alagaan ng husto baby ko. Lahat naman ginagawa ko. Puyat at pagod. Magisa sa bahay maghapon from 5am til 11pm. Aasikasuhin si baby, asawa at ang bahay. CS pa ko. Tapos maririnig ko pabaya akong magulang para sakanila To be honest naiinis ako kasi buong pagbubuntis ko nakitira kami sa side ng asawa ko. At yung biyenan kongnlalaki walang tigil sa pagyoyosi kahit na alam na may buntis. Inexolain ng asawa ko sakanya yung 3rd hand smoke pero sabinlang ng ate nya "wala kayong magagawa" Then paglabas ni baby 2weeks kami nagstay sakanila. Sige padin sa pagyoyosi. Akala yata na kapag 10steps away sa baby e hndi na maamoy. Nagstart sya dun sipunin at ubuhin. Dinala sa pedia. Nagtry sya magoral. Nawala ng 2 linggo ubo nya. Kakalipat lang din namin magasawa. Just to find out na nagkapneumonia baby ko dahil sakanila Tapos ngayon ako ang sisisihin. Nakakasama lang ng loob na dahil sakanila nagkaganto baby ko tas ending huhusgahan ako bilang mommy. Wala naman daw kasi akong ginagawa sa bahay sabi ng ate nyang walang pamilya. So mga mommies, ilayo nyo na baby nyo sa mga taong nagyoyosi and better kung patigilin nyo sila. Kasi kawawa na baby ang nagsusuffer sa pagiging iresponsable nila.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Aww! Totoo po yun momsh, 3rd hand smoke. Ang tatay ko, hindi siya makalapit kay baby kasi nagssmoke siya. Nakakahiya man nung sinabi kay tatay yung 3rd hand smoke, pero para din sa apo niya yun. 😊

Mas maigi po tlga nka bukod.. Inggit lng dn cguro un sayo🤭 pero mommy.. Pray lng po..