Pano?

Ask ko lang pano ko sasabihin sa asawa ko na ayaw ko sa kanila tumira? Hindi kasi ako komportable sa bahay nila pati na sa mga tao dun. Ang dumi ng bahay, ang ingay laging may nagsisigawan (parang squatter type sakanila), wala kang halos privacy kasi ang daming tambay, ang daming chismosa, tabi pa ng ilat at bahain kaya nagwoworry din ako kasi baka makasama kay baby lalo na't kabuwanan ko na. Tapos yung asawa ko pa halos di na ko maasikaso dahil inuuna niyang maginom kasama mga tambay sakanila. Yung ate niya pa masyadong nakadepende sa asawa ko eh may pamilya na rin naman kami. Hindi masama tumulong sa pamilya pero halos asawa ko na nagaalaga sa anak ng ate niya, etong ate niya hinahayaan lang tong anak niya parang walang pake. Nakakaurat na kasi.

27 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag usapan nio po ng maayos.. Ipa intindi mo sakanya ano po mga kailangan niang gawin gayong may pamilya na sya.. Sabihin mo ang mga responsibilidad nia.. Karapatan mo po magsalita kasi asawa ka..

mas okay po na bumukod kayo o mag rent dahil saken ayoko rin tumira sa magulang ng partner ko kasi mas gusto ko my privacy pero okay lang nmn sa partner ko nung sinabi ko ayoko tumira saknila :)

ANG ARTE MO, EDI LINISIN MO ANG BAHAY PRA DI MADUMI. NKAKA IRITA LNG PRANG MINAMALIIT MO YUNG SQUATTER. BASTA MALINIS ANG BAHAY OK NA YUN. KUNG MAY PANG UPA KA, EDI GO.

5y ago

takot ma realtalkan hahaha 😂

Kausapin mo sya,kahit ako ayoko ng maduming bahay at madaming tambay,chismosa at nagiinuman di magandang environment para sa magiging anak mo,

sbhin mo po dun direkta sknya kc ganyan sinabi ko sa asawa ko ayaw ko tumira sknla. at naintndhan naman nya... kht umupa lng kmi kaya naman po

sabihin mu momsh, sa una dinkayo magkakaintindihan ni mister at magtatalo sa usapin na yun but in the end magiging maAyos ang lahat...☺️

Mas maganda sis mag bukod kayo. If hnd ka komportable jan. Baka pati c baby ma stress pag labas kawawa naman.

VIP Member

Bumukod na kayo kung kaya or sa parents mo muna kayo tumira. Pero kung hinde kaya wala tayong magagawa jan.

Mag usap nlng po kayo siguro wla nmang problemang di nadadaan sa paguusap pra din magkaintindihan kyo hehe

Umupa kau sis. Mas ok nkabukod.. mhrap nkkisama sa pamilya ng asawa. Away yan lagi sa inyong dalawa...