Mommies please dont judge me :( Super na stress ako sa family ng asawa ko, di ko alam kung bakit ginagawa kong big deal or oag naiisip ko talaga na stress ako sakanila. Yung mother in law ko sa asawa ko pinapa obliga yung pag babayad nila sa bahay na 5k wala naman ako problema don, kasi alangan naman mag damot ako diba? Ang sakin lang kasi nasa 46 palang nanay niya medyo bata pa tas yung step father niya walang trabaho pareho sila so pareho lang sila naasa sa asawa ko at kapatid niya pareho kasing chef yung asawa ko at kapatid niya. So nghahati sila ng gastusin sa bahay. Etong mother in law ko may 2 anak sa step father nila isang Senior high at isang 4 years old. Minsan pinapaako nila gastusin ng nag aaral sa asawa ko. Nung birthday ng stepfather ng asawa ko humihingi ng regalo, at gusto i cash nalang daw. Jusko stress po talaga ko, kasi yung utang nila asawa ko rin nag babayad. Pano nalang future ng anak namin? Imbis na nakaka ipon kami sakanila napupunta, pano pag nagka bahay na kami baka samin pa sila tumira. Ang dami ko talaga na iisip na pwedeng mangyari kaya na stress ako sakanila. Kasi palaasa sila.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, siguro po mas maganda po kausapin niyo po ang asawa niyo... Ipaliwanag mo po sa kanya ang nararamdaman niyo at hindi po masama ang tumulong lalo na sa pamilya ng asawa niyo hanggat sa kaya niyo po...Pero may pamilya din po kayo na binubuo...Maganda po siguro kung bibigyan or tutulungan niyo din po ang biyenan niyo tulungan niyo na lang po magkaroon ng negosyo para po magkaroon po sila ng income everyday like sari sari store and bigasan kahit po maliit... Importante po ay may income po sila at paliwanag niyo po na need niyo pong magipon para sa future ng mga anak niyo...Magusap po kayo ng maayos siguro naman po laking tulong na po yun sa kanila... Thank you hope makatulong po, God Bless po.😇☺

Magbasa pa

walang masama sa pagtulong lalo na kung pamilya mo pero dapat may limitasyon. pag usapan niyong mabuti ng asawa mo pero in a good way at iwasan makapag salita ng di maganda or makakasakit na word sa pamilya niya. walang masama kung mas unahin muna ang future nyo at pangangailangan niyo lalo nat nasa hustong edad naman na yung pamilya niya madaming paraan para itaguyod nila ang sarili nila.

Magbasa pa

The best way to solve this is to talk to your husband about it. Clarify and have an agreement with him on what your priorities and goals should be. Stay strong and have faith that things will be better soon. :) ^

Magbasa pa

Bumukod na po kayu.hindi nyi po obligasyun po lahat yun.intindihin nyu ang anak po ninyu at yung future nya..mag usap din kayu ng asawa nyu..yung step father pla wlang trbho,dpt xa kumayud sa dalwa nyang anak.kapal namn ng mukha..tsk tsk.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-35111)

sis hindi naman pwedeng ipaako lahat sa husband mo..you have your own family..kailangan nyong paghandaan future ng mga anak nyo..ok lang magbigay pero wag namang sa asawa mo iaasa lahat

Hindi po obligasyon ng anak na suportahan ang anak. Ang magulang ang dapat sumuporta sa anak. Ang pagbibigay sa magulang ay kusa at bukal sa loob na binibigay. My thoughts lang.

Please do watch yung kay maricar poon and richard poon sa utube meron clang vid dun about extended family and helping family members.. try mo lang bka makatulong sayo..

Haay naku sis... Stressful nga yan. Bakit hindi mo kausapin asawa mo na baka pwedeng need nyo din magipon for your children.

talk to your husband po hindi naman pwedeng palagi na lang ganun pano naman kayo syempre may sarili na syang pamilya..