Mother and father in Law

Mga mii gusto ko lang maglabas ng lungkot. Wala ako masabihan. :( Sabihan nyo na masama ako. Pero tama po ba na pag nag iisang anak responsibilidad din ng asawa ko yung magulang nya? Like pag may kailangan sila lagi husband ko tinatawag nila kahit kaya naman nila. Tulad nalang kanina uminom yung byenan kong lalaki lasing na lasing. E overtime asawa ko lagi kasi kinakapos kami. Pinauuwi ba naman ng MIL ko para sunduin yung Byenan kong lalaki. E ang layo layo ng work ng husband ko sa bahay namin. :( Nakakasama lang ng loob kasi kasama namin sila sa bahay iniintindi ko na nga yung sitwasyon kaso madalas kasi wala sa lugar yung gusto ng MIL ko. Halos nahahati na nga yung responsibilidad ng asawa ko samin. Ok lang naman paminsan nandyan asawa ko nakaalalay sakanila. Pero yung lagi aasa MIL ko sa asawa ko na laging may susundo sa byenan kong lalaki pag lasing hindi na kasi tama tapos halos pagod asawa ko galing trabaho pauuwiin lang dahil magsusundo ng lasing :( dko alam kung masama nako non. Kasi nag aadjust nako sakanila. Hindi na nga nila ko matulungan sa pag aalaga ng anak ko ganon pa sila :( kukunin lang nila anak ko pag gusto nila :( any suggestion po advice kung pano pong pag aadjust pa gagawin ko sakanila :( pls respect po. Godbless

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung dun kayo nakatira sa parents. mas mabuting bumukod. para walang masasabi. and also si H ang kausapin mo din dahil sya ang may control to say no or yes.

bumukod na kayo. yun lang yun mi.