Pano?

Ask ko lang pano ko sasabihin sa asawa ko na ayaw ko sa kanila tumira? Hindi kasi ako komportable sa bahay nila pati na sa mga tao dun. Ang dumi ng bahay, ang ingay laging may nagsisigawan (parang squatter type sakanila), wala kang halos privacy kasi ang daming tambay, ang daming chismosa, tabi pa ng ilat at bahain kaya nagwoworry din ako kasi baka makasama kay baby lalo na't kabuwanan ko na. Tapos yung asawa ko pa halos di na ko maasikaso dahil inuuna niyang maginom kasama mga tambay sakanila. Yung ate niya pa masyadong nakadepende sa asawa ko eh may pamilya na rin naman kami. Hindi masama tumulong sa pamilya pero halos asawa ko na nagaalaga sa anak ng ate niya, etong ate niya hinahayaan lang tong anak niya parang walang pake. Nakakaurat na kasi.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Saktohan mu na maganda ang mood nya. Syempre dapat may plan ka na kung saan kayo lilipat at kung paano yun matutustusan... Mahirap naman kasi talaga na nakikisama kayo dyan bahay nila. Wala namang hindi nadadaan sa maayos na usapan 😉