In Laws
Aside sa karaniwang mother in law na mahirap pakisamahan, ganun din ba mga sisters/brothers in law nyo or father in law? ?

Panganay ang asawa ko, dadalawa sila magkapatid at lalaki din ang bayaw ko. Wala silang kapatid na babae, kaya both my mother and father in law sobrang bait sakin and tinuring nila akong parang totoong anak nila pati yung bayaw ko ganun din sakin tinuring na niya akong parang ate na talaga niya. Ayaw nga akong kumilos sa bahay pero ginagawa ko parin since dipa kami naka bukod ni hubby at simula nung nabuntis ako mas lalo akong di pinag tatrabaho sa bahay ultimo mag-laba biyanan ko gumagawa. Unang apo kasi tapos baby girl pa. Wala akong naging problema sa kanila, kasi mag-jowa palang kami ng anak nila ganun na sila sakin. Tinatawagan pa ako pag di ako napasyal.☺️ Maswerte ako sa mga inlaws ko, pati sa buong angkan nila.❤️
Magbasa pa