In Laws

Aside sa karaniwang mother in law na mahirap pakisamahan, ganun din ba mga sisters/brothers in law nyo or father in law? ?

281 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sister in law. Hindi dahil sa ayaw niya sa akin, kundi dahil pala asa sa iba. May asawa at dalawang anak na siya pero wala silang trabaho pareho (kahit bago pandemic) at umaasa sa buwanang padala ng tita nila. Palahingi rin ng pera sa ibang kamag anak, lalo sa kuya (LIP ko). Okay lang naman noon kasi wala pang ibang responsibilidad ang kuya. Kaso ngayong may anak na, sana naman naiintindihan niyang hindi siya priority at responsibility na bigyan ng pera. Nitong Pasko nga lang, nagtext sa kuya. Sabi ba naman, "Wala ka bang Pamasko sa mga pamangkin mo?" Eh early December pa lang naipadala na namin yung mga damit sa regalo namin sa mga bata. Pero ang gusto ng nanay eh pera. Lagi na lang siyang ganun, ginagamit ang anak para manghingi.

Magbasa pa