Dear tAp Mommies
Ano'ng unang una mong nasabi sa mundo pagkalabas na pagkalabas ni baby? Napasigaw ka ba sa tuwa o napamura nang hindi sadya? Kuwentuhan tayo, tAp mommies!
Nung ginising ako nung doctor na nag oopera (CS delivery) para sabihing ayun na yung baby ko at inilapag sa dibdib ko medyo grogi pa akez tas sa isip ko, "Ah 'yan na ba 'yon.. Okay". Ewan o sobrang sabog pa din ako kaya hindi ko masyadong napansin yung parang okey sige genern??? Pero natatawa ako ngayon pag naalala ko yung itsura ni baby nun na parang gustobg gusto na agad nya makakitaaya todo mulat mata s'ya tas yubg wrinkles sa noo eh ππ
Magbasa paAko po hindi ko alam na nakalabas na pala panganay ko kaya umire pa ko ulit. Pagsilip ko salo salo na pala sya ng ob ko. Di kasi sya umiyak na todo pero super malikot sya. Una ko naisip is Thank you Lord kasi safe kami pareho ni baby. But una ko nasabi tlga is thank you po dra. Hehe. Excited na kami ni hubby para sa second baby namin πβ€οΈ
Magbasa pa"Doc saan ang baby ko" ECS ako hndi binigay sakin kailangan kase nila paiyakin si baby. After 10mns umiyak naman daw. Baby boy 8months premie (35 weeks)...no problem naman si baby no need na maincubator 2nd day binigay na sakin and ang unang word ko nung nakita ko sya "Ga (husband) kamukha mo ang pogi ng baby ko. May dimples sya dalawa"
Magbasa paAfter ng operation ko dahil na ecs ako, pag gsing ko at nung nakita ko si baby Thank You Lord talaga nasabi ko, sa lahat lahat ng hirap at sakit habang nag bubuntis at nag lalabor ako naging safe pdin kami pareho at walang complication. Thank you Lord tlaga sa cute na cute na baby na ibinigay mo. ππΆπ
Magbasa paNung nanganak ako sa first born ko via CS ang nasabi ko agad non pagka kuha palang sa baby "tama na po nagugutom na ako" nung nailabas kasi yung baby feeling ko nawalan talaga ng laman yung tyan ko kaya ganyan cguro ang nasabi. Ngayon manganganak ulit ako, ano naman kaya ang sasabihin ko hahahaha
Haha funny.ππ
Pag naaalala ko natatawa nalang ako eh . CS kasi ako tapos nakatulugan ko yun while kinukuha si baby sa tyan ko pag gising ko nasa may boobs ko na sya umiiyak tska sumususo then sabi ko " oy may bata ang liit " then nakatulog ako ulit π
π not sure parang naalala ko "tapos na?" una ko nabanggit. my moments kasi n nagising n ko pero sabaw pa feeling ng utak ko nagsalita ako. d ko lng matandaan pinag sasasabi ko. thank you sa anesthesia.. cs pla ko btw
Thank you lord kasi hindi ako pinahirapan ni baby Ocean π 11:45 ako pumuntang hospital tapos 1:04 lumabas na agad si baby normal delivery at 3kg π Chill lang habang nanganganak ako nag papatugtog ng worship song. π
Exercise lang po at lakad mula 1st floor hanggang 4th floor po hehe
via CS aq sa first baby ko napaluha aq pglabas nya then nsabi ko sa icp ko "Thank you Lord safe and healthy c baby." π naibsan ung sakit ng tahi ko ng umiyak at nakita ko c baby ko.
Wala. Unconscious kasi ako that time dahil under general anesthesia pa ko. Plus wala pa kong tulog ng 3 days nung iniinduce ako. Ginising lang ako nung pipicturan kami ni baby.
Hoping for a child