Dear tAp Mommies

Can you describe your Morning Sickness experiences? Ano ba ang feeling?

Dear tAp Mommies
146 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Malayo palang si hubby naaamoy ko na pabango nya. Ambaho gusto kong nakawin pabango nya at itapon. Hindi ko pinapasabay si hubby sa pagkain pag di ko keri amoy ng ulam niya. Lahat ng kinakain ko puro lasang gamot ampait. Kaya pala naghahanap tayo ng hilaw na mangga. Laging feeling dizzy. Kala mo nagbyahe ka ng 12 hours sa bus. araw araw. Paggising mo, hilo ka parin. I hate everything na fried. like fried chicken. Ambaho. Wag mo ipaamoy saakin ang hinog na mangga please. No to Colgate nasusuka ako! Please buy me Close-up for Kids. Yung Barbie.

Magbasa pa

naiiyak na ako kasi kahit gustong gusto ko kumain hindi ko magawa kasi alam kong masusuka ko, kakain kaunti para kahit papaano may laman tyan pero ending isusuka pa rin 🤧 takot nga rin ako makipag do nun sa asawa ko kasi every after namin mag do suka agad hahaha naaawa na sa'kin asawa ko ksi di daw nya alam ipapakain sakin hahaha pagod nako nun haha naluluha nlang ako and salamat naman before ako mag 3months ginanahan na ako ulit sa pagkain at nawala na pag susuka ko 🤧🤣

Magbasa pa

-nagsusuka kahit walang kinakain. -kahit tubig di gusto ang lasa wala naman lasa ang tubig. -kapag kumain parang walang lasa ang pagkain at di rin nakakabusog -naduduwal sa mga amoy namababaho,at sa mga naamoy na niluluto ng mga kapitbahay. -nahihilo, feeling ko umiikot ang ang paligid. -giniginaw, April pa yun nun summer. nanghina siguro ako kasi halos di na ako kumakain. -the best experience noon is nakakatulog na akong maaga nun before kasi may insomnia ako.

Magbasa pa

,nung nalaman ko na preggy na ako im so happy and excited, but im not exempted to have a morning sickness, in my 1st tri it's very worst, kc d ako nakain ng kanin kc hate ko yung amoy, halos lahat nang naamoy ko ayoko kaya i always have vicks at nakahiga lang po ako at walang lakas dahil walang kain ng maayos just only fruits at papak ulam lang😊😊but thankful having a blessing from our Almighty God after i got miscarriage in year 2019..

Magbasa pa

Nakakaiyak.. Yung parang araw2 ka lasing 😭😭 yung uhaw na uhaw ka na pero pag nakakita ka ng tubig tumatayo balahibo mo, di pa man nakakainom ih nasusuka ka na 😔 ang hirap.. Luckily may nahanap ako substitute ni water.. Watermelon na malamig 😋😋 nakatulong tlg sya sobra, kahit papano ih naiibsan uhaw ko.. Di rin ako kumakain 🤮🤮 hirap sa pagkain, pababa ng pababa timbang ko 😬

Magbasa pa
4y ago

Hi sis, hinay hinay rin sis watermelon kase mataas sa sugar. Try ko sis buko juice, baka it myt work for u

VIP Member

sobrang hirap nung 1st trimester ng pagbubuntis ko. Hirap ako kumain tapos every 6pm, nasusuka ako. Kapag naka amoy ako ng friend chicken or ginigisang ulam sa sibuyas at bawang nonstop duwal na yan. Maanghang lang nun kaya kong kainin tapos gatas at skyflakes lang. Muntik na ako madehydrate. Pero thanks G nalagpasan ko din lahat ng yon and malapit ko ng isilang ang baby girl namin.🙏💝

Magbasa pa

-walang gana kumain -naduduwal -hilo lagi -gutom pero ayaw mo kumain -parang hinihila bituka ko pag sumusuka -masakit lalamunan kakasuka. -hindi ko ma enjoy Yung pag Kain, kumakain lang para d manghina pero Kung papipiliin ka kung d k nmn mamamatay ng d kumakain, mas pipiliin kong wag na kumain. nakaka lungkot

Magbasa pa

subrang hirap,,,ung pabango ng hubby na dati gusto ko nasusuka na ako pag naamoy,,,kaya sa labas na nalalagay pabango c hubby pagpapsok,,,maarte sa pagkain,,d nman nagsusuka pero lagi nagduduwal lalo pag naamoy na mbaho,,lahat ng naramdamn ng buntit na masilaan,,haisst para kay bb kakayanin🤗🤗

VIP Member

Ang hirap nung first trimester. Nanghihina ako after sumuka di makakain ng ayos kasi may mga food na hindi trip ng panlasa ko kaya konti lang kinakain ko. Pati tubig ayaw din. Thankful nman di ako naging maselan sa pang amoy sa mga pagkain lang. Buti na lang nung 2nd trimester naging okay na

apaka tamad sobra hahaha kulang na lang buhatin ako sa lamesa para makakain buhatin sa cr para maligo 🤣 ambigat ng pakiramdam ko. tapos pihikan sa pagkain buti sana kung hindi laging gutom 🤣buong araw dumuduwal at pinakamalala heartburn sa gabi kaya hirap ako makatulog. 🤣