iyakin si baby

Ano po kaya pwede gawin s LO ko . naging iyakin sya start ng 3weeks. ngayon po 1month and 8days na sya sabi nila normal daw dahil sa growth sprout. sinisigurado ko po na busog, komportable, malinis ang diaper, walang kabag, pero ganun parin. Napapansin ko po ganun sya kapag parang antok sya . Yung iyak nya parang galit na galit, gusto nya may nakalagay lang sa bibig nya na dede , tapos dumedede sya habang umiiyak, kapag busog na sya lalakas iyak nya tapos pang gigigilan nya yung dede. Matagal din sya makatulog , umaabot kami ng 2-3hours sa paghehele/pagsayaw kasi nga umiiyak sya. Naaawa ako sa baby ko kapag umiiyak , help naman mga momsh ! Ano ba dapat gawin

iyakin si baby
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganiyang ganiyan ang baby ko. Nag start din nung 3 weeks palang siya.. Grabe iyak niya. Ginawa mo na lahat wala pa din. Parang d niya makuha pag tulog niya at ayaw pa magpalapag. Icomfort mo lang at ihele, hanapin mo ung comportable niyang pwesto habang buhat mo siya tapos isayaw sayaw mo si baby at kantahan. Ako nilalakad ko kusina hangang sala para lang mahele siya hanggang sa makatulog. Nilagyan ko din siya ng bigkis, gusto din kasi minsan ng baby naiipit tiyan nila lalo kapag may kabag..

Magbasa pa

naku parehas tayo mamshie, ganyan din ang baby ko, bale pa 3 weeks plng sya. kung makaiyak ay sobra lakas lalo na pag gusto nya dumede,tapos pag di agad naibigay galit na galit sya, namumula na nga sya dahil sa kakaiyak tapos may time din na nasa bibig na niya ang nipple ko para dumede naiyak pa rin na parang inapi or nasaktan sa pag iyak and lagi niya tinatanggal sa bibig niya nipple ko tapos iiyak na naman, naaawa din ako at the same time nag aalala if this is just normal ba.

Magbasa pa

normal lg po sa newborn gnyn dn si baby bgo sya ng1month at 2 months. comfortable si baby nun kpg pnhega sya nmen o nkdapa sa dibdib. natural lg dn po n lge cla gutom kpg growth spurt make sure lg n iburp nyu lg si baby. 3months n naun si baby pro nd na sya umiiyak tlga naun at mbilis n sya ptulogin. suggest ko dn po mgstart ndn kau mgdim light kpg gabe pra mlman ndn ni baby na gabe na and its bed time na

Magbasa pa

Baka di po sya comfortable mommy. Dumating yung time dati na ayaw na ng baby ko na hinehele sya sa arms ko na parang baby, mas gusto nya yung patayo tapos yung ulo nya nasa dibdib ko, ayun dun lang sya nakakatulog. Minsan naman ayaw nya nagpapakarga nagwawala sya, mas gusto nya nasa duyan tapos nakatagilid and thumb suck, ayun mahimbing ang tulog nya.

Magbasa pa

Ipaburp mo po lagi after nyang dumedede. Ganyan din baby ko eh busog na sya pero umiiyak padin kapag dinedede nya pero after ko sya ipaburp tumitigil iyak nya tapos. ipadapa ko sa dibdib ko ayun nakakatulog na rin naman. pero minsan ayaw nila. may time na talagang mahirap patulugin di nila makuha yung tulog nila.

Magbasa pa

Ganyan din newborn ko dati sobrang iyakin na ayaw magpababa pero tumatahan naman pag nakasalpak sa dede ko...sa baby mo eh umaabot kamo ng 2-3 hours n umiiyak?better consult your pedia na kc bka may nraramdaman na syang iba...

5y ago

Baka may colic

Research mo "colic baby" mommy. Ganun din anak ko. Hindi pa fully developed ang digestive tract kaya ganun. Basta if nagpapa breastfeed ka, hwag mo lang i give up dahil sa colic. Mawawala din colic from 2 to 5 mos.

Try mo Pacifier kasi masama dn pag sobrang busog si baby. After dede, burp, then upright parin for 15-30 minutes bago ihiga si baby. Masyadong malikot dn ba paa nya at ngcurve stretch while umiiyak?

5y ago

salamat sis

Normal langbpo yan. ganyan din po ako yung di ko na alam ano gagawin. pero every month nag babago baby ko. ngayon medyo tahimik sya. last month pati sa gabi giaing sya.

Check for discomfort po. Baby ko po never ako pinahirapan. D po iyakin kaya d ko npatyupon bsta make sure naburp lagi, dede on time...