Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
blessed mama
iyakin si baby
Ano po kaya pwede gawin s LO ko . naging iyakin sya start ng 3weeks. ngayon po 1month and 8days na sya sabi nila normal daw dahil sa growth sprout. sinisigurado ko po na busog, komportable, malinis ang diaper, walang kabag, pero ganun parin. Napapansin ko po ganun sya kapag parang antok sya . Yung iyak nya parang galit na galit, gusto nya may nakalagay lang sa bibig nya na dede , tapos dumedede sya habang umiiyak, kapag busog na sya lalakas iyak nya tapos pang gigigilan nya yung dede. Matagal din sya makatulog , umaabot kami ng 2-3hours sa paghehele/pagsayaw kasi nga umiiyak sya. Naaawa ako sa baby ko kapag umiiyak , help naman mga momsh ! Ano ba dapat gawin
Pamamalat ng labi ni LO
Ano po kaya pwede ilagay s lips ng LO ko ? 15days old palang sya. pangalawang beses na po nagbalat yung lips nya. Hindi pa nga natatanggal yung balat meron na naman. Bakit po kaya ganun? Natural lang po ba?
New born screening
Nanganak po ako last June 23,2019 sa public hospital pero hindi po namin na-new born screening si baby kasi may kulang daw po sa gamit ng hospital ngayon. Saan po kaya dito sa Mandaluyong merong magandang clinic at magkano po kaya magpa new born? Salamat po mga momshies ???
Bunot ng Ngipin
Hi po kelan po ba pwede or ilang months pwede magpabunot ng ngipin after manganak? thank you
Hair rebond , color and treatment
Hi mommies , ilang months po or kelan po safe mag parebond and color ng hair after giving birth? thank you
Mandaluyong Hospital
Anyone here po na nanganak sa mandaluyong hospital. Pa feedback naman po. Salamat
napkin or diaper
ano po maganda gamitin after manganak? adult diaper or maternity napkins? tsaka ano po maganda na brand. salamat po