iyakin si baby

Ano po kaya pwede gawin s LO ko . naging iyakin sya start ng 3weeks. ngayon po 1month and 8days na sya sabi nila normal daw dahil sa growth sprout. sinisigurado ko po na busog, komportable, malinis ang diaper, walang kabag, pero ganun parin. Napapansin ko po ganun sya kapag parang antok sya . Yung iyak nya parang galit na galit, gusto nya may nakalagay lang sa bibig nya na dede , tapos dumedede sya habang umiiyak, kapag busog na sya lalakas iyak nya tapos pang gigigilan nya yung dede. Matagal din sya makatulog , umaabot kami ng 2-3hours sa paghehele/pagsayaw kasi nga umiiyak sya. Naaawa ako sa baby ko kapag umiiyak , help naman mga momsh ! Ano ba dapat gawin

iyakin si baby
19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipaburp mo po lagi after nyang dumedede. Ganyan din baby ko eh busog na sya pero umiiyak padin kapag dinedede nya pero after ko sya ipaburp tumitigil iyak nya tapos. ipadapa ko sa dibdib ko ayun nakakatulog na rin naman. pero minsan ayaw nila. may time na talagang mahirap patulugin di nila makuha yung tulog nila.

Magbasa pa