Need advice. Si hubby nagdedecide ng financial matters namin.

Ang normal at dapat na set up ay ang babaeng asawa ang may hawak ng pera. Pero sa sitwasyon ko, si hubby ang nagdedecide sa financial matters namin. Mas malaki ang income ko kesa sknya pero sya ang nagdedecide kung ano mga bibilin namin. Ang hirap ng di ko mabili gusto ko or naiinis sya pag may bibilin ako kht mura lang at pera ko naman ang gagamitin ko. Nawalan na ako ng karapatan sa sarili kong pera. Pero sya kung makabili ng gadgets nya wagas. Pati pera ko gagamitin nya at sasabihin na yun nalang daw ang regalo ko sknya. Unfair dba? Pati mga gamit at damit para sa baby namin pinagaawayan namin dahil ayaw nyang pumayag kahit pera ko naman ang gagamitin. Pati nga supplement na mega malunggay nagrereklamo sya na bakit bibili pa nun may malunggay naman kami. Nakakainis na. Nakakawalang gana na. Di ko na alam ggagawin.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Mali tlaga mommy. Sahod mo yan may karapatan ka sa pinaghirapan mo. Since both kayo may work mas maganda sana kasi doble ang income pero in that way naman hndi nagiging maganda ang outcome. You should talk it over mommy sabihin mo ang nararamdaman mo at isa pa mag asawa na kayo you should support each other dapat give and take si hubby hindi yung puro take lang, ano yun sya nabibili nya mga gusto nya tapos ikaw hndi kahit nagttrabaho ka, ipa realize mo sa kanya momsh. In our case, si hubby lng may work, may karapatan sya sa pera nya so hndi ko knukuha ang atm nya pero alam ko ang perang pumapasok, nka separate na ang para sa budget every sahod then may allowance din ako and baby aside sa needs namin, then the rest of the money sine save nya and yung natira sya na bahala kung ano gusto nyang bilhin or kung magbigay sya sa family nya ok lng sakin basta kumpleto na ang para samin ni baby.

Magbasa pa