Need advice. Si hubby nagdedecide sa financial matters namin.

Ang normal at dapat na set up ay ang babaeng asawa ang may hawak ng pera. Pero sa sitwasyon ko, si hubby ang nagdedecide sa financial matters namin. Mas malaki ang income ko kesa sknya pero sya ang nagdedecide kung ano mga bibilin namin. Ang hirap ng di ko mabili gusto ko or naiinis sya pag may bibilin ako kht mura lang at pera ko naman ang gagamitin ko. Nawalan na ako ng karapatan sa sarili kong pera. Pero sya kung makabili ng gadgets nya wagas. Pati pera ko gagamitin nya at sasabihin na yun nalang daw ang regalo ko sknya. Unfair dba? Pati mga gamit at damit para sa baby namin pinagaawayan namin dahil ayaw nyang pumayag kahit pera ko naman ang gagamitin. Kahit nga supplement para sa breastfeeding ko nagrereklamo sya kc may malunggay naman daw kami. Nakakainis na. Nakakawalang gana na. Di ko na alam ggagawin.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi ka nagiisa momshie. Hubby ko din admin samin dalawa pagdating sa financial. Almost the same tayo ng situation except that, ang pera ko takot siyang galawin ni peso. At mas marunong kasi sya humawak ng pera kesa sakin.

4y ago

feeling nya kc sya nalang palagi ang magaling. kahit sa pagaalaga ng baby namin. ang hirap ng ganito. naiinggit ako sa ibang babae na hawak nila pati pera ng asawa nila at nabibili gusto nila.

as long as marunong Naman siya magbudget...ayos Lang ,pero Kung Yung budget para Naman sa health mo is kailangan iconsider Niya Rin.