Need advice. Si hubby nagdedecide sa financial matters namin.

Ang normal at dapat na set up ay ang babaeng asawa ang may hawak ng pera. Pero sa sitwasyon ko, si hubby ang nagdedecide sa financial matters namin. Mas malaki ang income ko kesa sknya pero sya ang nagdedecide kung ano mga bibilin namin. Ang hirap ng di ko mabili gusto ko or naiinis sya pag may bibilin ako kht mura lang at pera ko naman ang gagamitin ko. Nawalan na ako ng karapatan sa sarili kong pera. Pero sya kung makabili ng gadgets nya wagas. Pati pera ko gagamitin nya at sasabihin na yun nalang daw ang regalo ko sknya. Unfair dba? Pati mga gamit at damit para sa baby namin pinagaawayan namin dahil ayaw nyang pumayag kahit pera ko naman ang gagamitin. Nakakainis na. Nakakawalang gana na. Di ko na alam ggagawin.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo ibigay ang pera mo Momsh. Magset kayo ng kanya kanyang bills na babayadan sa household. Mas ok ata ang kanya kanya kesa naman ganyan pati sa baby nyo hndi ka nakakabili. 😊 Samin po ako ang walang work, pero ako nagdedecide ng lahat ng about sa financial. Lahat bigay sakin ng asawa ko. Tapos para makita nya kung san napupunta ang sweldo nya, nagpe pepare ako ng spreadsheet for ilang mos para pag sweldo nya allocated na at alam na ang kailangang bayadan. Sabi nya hindi ko naman daw kailangang gawin yun, pero mas okay na din na merong transparency para walang sumbatan sa huli. Hehehe

Magbasa pa

may economic freedom po tayo..kahit na may asawa na..kaya dapat nakakahawak ka rin ng pera at nabibili mo ang gustomo

pasok po yansa vawc, RA 9262, economic a buse