Need advice. Si hubby nagdedecide ng financial matters namin.

Ang normal at dapat na set up ay ang babaeng asawa ang may hawak ng pera. Pero sa sitwasyon ko, si hubby ang nagdedecide sa financial matters namin. Mas malaki ang income ko kesa sknya pero sya ang nagdedecide kung ano mga bibilin namin. Ang hirap ng di ko mabili gusto ko or naiinis sya pag may bibilin ako kht mura lang at pera ko naman ang gagamitin ko. Nawalan na ako ng karapatan sa sarili kong pera. Pero sya kung makabili ng gadgets nya wagas. Pati pera ko gagamitin nya at sasabihin na yun nalang daw ang regalo ko sknya. Unfair dba? Pati mga gamit at damit para sa baby namin pinagaawayan namin dahil ayaw nyang pumayag kahit pera ko naman ang gagamitin. Pati nga supplement na mega malunggay nagrereklamo sya na bakit bibili pa nun may malunggay naman kami. Nakakainis na. Nakakawalang gana na. Di ko na alam ggagawin.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy parang lumalabas eh kinukuha nya sahod mo kasama sahod nya para paglaanan ang luho nya...grabe naman yang asawa mo pera mo yan pinaghirapan mo yan natural may karapatan kang bilhin ang gusto mo at di dapat sya magalit lalo na at kailangan mo yun..ako nga walang work asawa ko lang meron pero binibigay nya lahat ng sahod nya saakin bahala na ako mag budget kahit bumili ako ng kahit ano wala syang react..as long may nakakain kame bayad ang bills ok lang..dapat sabihin mo saknya ang nararamdaman mo..kase kung kikimkimin mo yan iisipin nya na ok lang na sya ang nagmamando ng lahat at ok lang na luho nya lang nabibili nya at ikaw hinde na kahit kailangan mo pag sinabi nya na wag na ok lang..stressful po ang ganang relationship lalo na at pera ang pinag uusapan..godbless po mommy

Magbasa pa