Share ko lang mga sis,

Ang hirap pag ung LIP mo lasingero, at mabarkada, akala ko noon pag nabuntis ako magbabago na sya pero ndi e nasasabihan ko na sya ng masskit na salita sa galit ko pero dedma lang sya, punong puno ko sknya nai stress nko khit bawal sken 3months preggy ako nd sya nhhya sa magulang ko nakikipisan na nga lng kmi uuwi pa sya dto lasing at madaling araw na. mahal ko sya oo pero nagsasawa nko kay binlock ko na sya at snabhang wag ng umuwi smin at maghiwalay na kmi. tama lang ba gnawa ko?

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo Sis Ganan kami both ng asawa ko kasi before kami naging in a relationship, mag barkada muna kami. Tropa sa alak, tropa sa gala, tropa sa kalokohan hanggang sa naging mag asawa kami. Okay fast forward na tayo, At Dumating kami sa point magkaka baby na kami. Simula nung araw na naging pregnant ako , malaki nagbago sa asawa ko. Hinayahayaan ko naman siya uminom , minsan nga ako na nagtutulak sa kanya sa uminom naman ng alak minsan kasi lagi natanggi kapag niyayakag. Medyo hindi na din sya nasama sa barkada unless nabobored sya sa bahay. Malaki na pinagbago nya . Mahalaga naman kasi good yung communication nyo mag asawa . Kami ng asawa ko lagi kami nag ha heart to heart talk para aware kami sa nararamdaman ng isat isa. Para aware din kami if may nagagawa ba kaking pagkukulang sa isat isa. I hope madaan nyo pa sa magandang pag uusap yung relasyon nyo kasi ako bilang isang anak na lumaking wala ama dahil maaga siyang namatay, mahirap lumaki ng walang nangangalagang ama. Godbless Sis .

Magbasa pa
5y ago

Nakakatuwa kasi sis kapag nakikita natin na nabubuild up ng asawa natin yung sarili nila. Katuwa lang isipin na nakikita natin ang asawa nating nag mamatured para sa atin at para sa anak natin . โค๐Ÿ’‹ Alam ko na din kasi kalikot ng utak palibhasa nagsimula sa mag barkada . HAHAHA . one time nga e ibinili ko to ng alak uminom laang kasi masama din naman yung walang alcohol ang katawan as per our doctor

Nagsimula dn kami ng asawa ko sa ganyan 9 yrs ago. Halos gabe2 hindi ako makatulog saka hihintay sakanya kasi umaga na umuwi nung nanganak na ako ganun parin sya pro nakita ko kung gano kamahal at maalaga sya sa anak namin. 10 yrs ang gap namin. Kaya hindi ko inexpect na magbabarkada pa sya kasi hindi nman sya ganun nung mag bf/gf pa lg kami. Nandun na rin kami sa point na naglayas ako sinama ko ang anak ko wo his knowing. Pro sinundo nya parin kami kahit gaano kataas ang pride nya. Nung nagkabalikan kami dun na sya nagbago narealize nya lahat na mas importante pla kami ni baby hanggang ngayon 7 yrs na kaming kasal 9 yrs na kaming nagsasama masasabi kung malaki na ang ipinagbago ng asawa ko wala na kahit anong bisyo. Salamat sa dyos at pinakinggan nya mga dasal ko. Kung mahal ka nya at ang baby nyu sis handa syang magbago pra sainyo. God bless. Huwag mo kalimutang ipagdasal sya sis.

Magbasa pa

Same here Sis. ๐Ÿ˜ž 4months preggy.. sobrang nakakastress. Pinipilit ko deadmahin at intindihan nalang pero hindi pa din talaga. Lagi akong umiiyak. Naaawa ako sa baby ko kasi nasa loob palang sya ng tiyan sobrang stress na nararamdaman nya. ๐Ÿ˜ž lasenggo, mabarkada at puro ML lang ginagawa nya. Pag pinagsabihan mo siya pa galit. Lagi mainit ulo madalas ako sigawan lalo pag nag eML siya kaya madalas din hindi ko nalang kinakausap. Parang sobrang labag sa loob nya kapag pagsisilbihan nya ko pero sa ibang bagay napakagaling. Sobrang nakakasama ng loob. ๐Ÿ˜ž 5yrs na kami sobrang gusto at tagal nyang hinintay na magkababy kami pero ngaung nandito na pinapabayaan at binabalewala naman kami ni baby. Noon pa naman ganyan na talaga sya, akala ko magbabago din kapag nagkababy na. Hindi pa din pala. ๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ž

Magbasa pa

Ganyan na ganyan yung LIP ko, pero bumukod kami. Laging ko syang inaantay umuwe bago ako makatulog ng maayos. Pag inuumaga na sya ng uwe, walang kibuan, dko sya aasikasuhin. Pero pag napuno na ako uuwe ako samin tas hahanapin nya ako tas papauwiin. Repeat. Ayun sa awa ng Diyos nabawasan na pagiging lasenggo nya at barkada kase may lockdown na hehe. 7mos na baby namin pero di pa din sya marunong magpatulog ng anak namin. Medyo tamad lang sya sa bahay, pero pag galit na ako at di kikilos makakaramdam na yan. Bigyan mo pa konting panahon sis, nadadala ka lang ng emosyon, ganyan talaga pag buntis. Iwas muna sa stress. Isipin mo future ng baby nyo. Okay lang magbitaw ng masasakit na salita pero wag magsalita ng tapos. Baka need pa nya ng panahon para mag adjust.

Magbasa pa
VIP Member

Siguro better kung kausapin mo muna ng masinsinan sis. ๐Ÿ˜Š explain mo ng maigi sa kanya. Wala naman masama maginom paminsan minsan basta alam niya limitations niya at isipin niyang may mag-ina siyang naghihintay. Wag lagi pagalit, basta kausapin ng mahinahon para mas maintindihan niya yung gusto mo. Iba kasi nagiging dating pag galit. ๐Ÿ˜Š and if nakausap mo na ng masinsinan, at ganun parin siya tsaka ka magdecide kung tama na talaga. wag lagi idaan sa init ng ulo. At wag kakausapin ng lasing.

Magbasa pa

ako 5 years ago ganian din si hubby pero sabi ko sa kania kapag hindi nia hininto pagiinum at paninigarilyo nia hindi ko sya sasagutin, kaya hindi na sya naninigarilyo ngaun, mas gusto nia nasa.loob nlng ng bahy kesa uminom.or makipag barkda dahil lagi nia sinsbi n ms mkakasama nia ako habang buhay kesa s barkda nia kaya kahit na adik ung sa ml d ko sya pinpglitan un nalng kasi pinaglilibangan nia. mahirp ung ganiang asawa pakktag k po basta d ka nia sinsaktan

Magbasa pa

Ang hirap talaga pumasok sa relasyon mommy na may mindset na baka "magbago" kasi kung may balak syang magbago kahut wala pa kayong anak nagbago na sya para sayo. Ngayon na andyan na yan consider mo na yung anak mo. Nakakapurwisyo ba asawa mo? Wala ba syang naitutulong? May masamang epekto ba sayo ang pag iinom nya like sinasaktan ka ba nya or something? If yes sagot mo sa lahat ng yun tama lang decision mo. If no, pag isipan mo ulit anong problema.

Magbasa pa

Hi sis .. Para sakin kasi depende .. Kung Hindi naman nya kayo pinapabayaan Hayaan mo lang syang gawin gusto nya .. My Bata na kasing involve .. Kawawa naman .. Or gusto mo naman kausapin mo ng masinsinan .. Pag d nagbago saka mo hiwalayan.. Nasasayo pa rin yan momsh .. Broken family kasi kame .. Kahit d nagkulang sakin nanay ko .. My parang kulang pa din .. Sana maging ok kana .. Good bless sayo .. Saka wag masyadong magpaka stress โ˜บ

Magbasa pa

Sabi nga . Hindi ka magiging masaya sa taong toxic sa buhay mo . Tama lang ginawa mo kasi magiging pabigat lang siya aa buhay mo. Sabi nga nsa tao ang gawa nsa diyos ang awa. Kung hindi sya mgbbago. Wla din mgbabago sa pligid mo .

Siguro po mommy kinulang pa sya sa pagiging binata nya kaya ganyan. Talk po kayo. Pag lumabas na si baby tapos ganyan pa din sya. Siguro that's the time na iwan mo po sya. Sa ngayon, usap po kayo para kay baby โค