Paglilihi

Ako lang ba? Ako lang po ba sobrang maselan maglihi? ? yung tipong ang sakit sakit na sa sikmura kase wala akong kinakain. Ayaw tanggapin ng sikmura ko kase nasusuka lang ako. Halos buong araw wala na akong kinakain. Sobrang sakit ng ulo, pananakit ng katawan, balakang at minsan para ng nilalagnat. Hays, naaawa na ako sa baby na nasa loob ng tiyan ko ?pang 11weeks ko na po.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same tayo momshie.nung 6-10weeks ko grabe ang sakit ng sikmura ko.wala din ako gustong kainin.medyo nawawala sya pag sweet kinakain ko.nasusuka din ako pero pag kaya napipigilan ko pa. kumukulo ang tyan ko as in may tunog. kaiba sya sa first pregnancy. nung 11 weeks ako bigla naman nagkagana ako kumain as in cravings na then ngaun 13 weeks na ako bumalik na naman ung pagsusuka ko.parang naglalaway ako na may hinahanap na food tapos pag nakakain na mawawala konti tas masusuka na naman. haist sabi nga tiis tiis lang tlg ang pagiging momshie. try mo ice cubes babad sa mouth or banana.minsan kasi effective sya sa akin.😉

Magbasa pa

hirap din ako noon sa paglilihi, tuwing naiisip ko pinagdaanan ko noon until 14 weeks....sbi ko nga noon ayaw ko na ulit magbuntis😂 last na eto kako (first pregnancy) hahaha... after naman niyan nung mga second trimester na ok ok na nakakabawi na sa timbang at masigla nadin ako, nawala na sakit ng ulo, pagsusuka ganyan... pero nito lang 30 weeks+ ako bumalik ung sinisikmura at pagsusuka😅pero mas manageable kesa nung 1st trimester... kaya mo yan momsh! worth it lahat ng hirap na nararanasan ntin pra kay baby😊😊😊

Magbasa pa
VIP Member

Ako 20 weeks preggy na ko ngayon. Nalaman ko lang na buntis ako nung 17 weeks sya. Nung di ko pa alam na buntis ako, wala din akong gana kumain kahit rice. As in wala talaga. Breakfast lang ng rice tapos minsan walang lunch. Madalas walang dinner. Hindi talaga ko nagkakanin nun kaya medyo worried ako sa lagay ng baby ko kasi di ko sya na-alagaan ng maayos lalo nung first trimester ko, kasi nga di ko alam preggy pala ako. Pero di naman ako nagsusuka. Wala akong symptoms na nararamdaman nun, bukod sa walang ganang kumain.

Magbasa pa
VIP Member

same tayu momsh nung 6weeks preggy ako . grabi headache ko nun , pg tatayo ako nahihilo na agad ako tapos masusuka, walang gana kumain tsaka ayaw ko ng baho ng ulam, pero pinipilit ko nlng kumain kahit saging lng na lakatan ang ipares ko sa kanin tapos after ko kumain suka na naman. pero thanks god nag last lng sya ng 1 and a half months. pagka 2nd trimester bumabalik na gana ko sa pgkain at medyo di na ako nahihilo

Magbasa pa

Ganyan din po ako mommy yung first 3months ... Wala ako gana kumaen lahat ng kinakaen ko sinuauka ko lang pati tubig.. Pilitin mo lang kumaem mommy para may makuha sustansya si baby ... Kahit pakonti konti lang,, pag nag 3months onwards mawawala din yang mprning sickness at babalik na gana mo sa food .. Tiis tiis lang mommy.

Magbasa pa
VIP Member

mommy tiis ka na lang muna, ako din ganyan panay delata nga pinakakain saken wh di healthy pero wala eh no choice ako, di naman ako swerte sa naging partner at hilaw na inlaws, kesa naman magpatalo ako sa lihi kuno ko eh inisip ko na lang non na makakaraos din ako, para kay baby kakayanin

6y ago

Im going to 5months preg na po nakakabawi na din po ako kahit papano. Btw are you swifties curious lang kasi ko sa name mo hehe😊

sme po tau ng kataon p po 2days di ako kumain ng kanin .. puro tinapy lng .. dumating p sa puntong naiyak ako hbng nakain kasi alm ko issuka ko din nmn .. ngaun po kabisado ko na kkainin ko na ndi sinusuka .. ndi ako nakain ng gisa at malalansa at kain ka fin mommy nng prutas..

Di ka nag iisa sis. Ako rin ganyan im 15weeks pregnant until now ganyan ako. Sobrang hirap yung tipong gusto mo ng sumuko kasi naaawa kana sa baby mo di mo alam kung may nakukuha pa ba syang nutrients sayo😔. Ako nga 2x na ng na admit dahil sa sobrang selan na paglilihi

Mag trial and error ka ng pagkain na hindi mo xa nailalabas. Try mo rin uminom NG kahit tubig. Kwento NG ob ko sa akin noon kc pahirapan din ako sa 1st trimester ko may inadmit xa dahil lahat NG kinakain nya nailalabas nya, ayokong ma admit kaya kahit mahirap tiniis ko

Same here! Going 13weeks na ko pero nagsusuka pa din. Though better naman kesa the past weeks. May times na mapapaiyak ka na lang kasi gutom ka pero di ka makakain. Kain ka fruits mumsh. And yun me mga sabaw. Kaya natin to para kay baby. ☺️