Please payuhan nyo ko kung anong dapat gawin 🥺

3 days na kaming di nag uusap ng asawa ko, nagsimula lang sa nagalit sya dahil nagkalat ng ihi sa bahay yung pusa at nadamay lang ako sa galit nya. Nung gabing yun naglaba sya inalok ko syang tulungan pero sabi nya matulog nalang ako at dahil pagod na din talaga ako nun galing kami sa buong araw na check up sa clinic, nakatulog agad ako. Dahil lang doon hindi nya na ako kinakausap hanggang ngayon. Simula nun iyak ako ng iyak. Ngayon december 31 birthday ng kapatid ko ang usapan namin pupunta kami sa bahay tapos mag uuwi nalang ng ilang pagkain nila para yun ang handa namin para di na kami magluto pareho kasi galing kami pareho ng trabaho panggabi (work at home kami). Ngayong araw walang nangyari, iniwan nya lang ako dito at umalis sya umuwi sakanila 😭 mag isa ako ditong sasalubong ng bagong taon. Tumawag mama ko tinatanong bakit di kami pumunta sabi ko lang nasiraan yung sasakyan kaya di makaalis hindi ko masabi na nag away kami. Nag alok mama ko kung gusto nya ipasundo kami sabi ko gabi na, pero parang gusto kong magpasundo kay mama bukas tapos dun nalang ako titira. Dadalhin ko mga gamit ko pati work station ko. Tamang desisyon ba yun? Sobra kasi akong nadedepress sa ginagawa nya sakin hindi ko akalain na matitiis pa rin nya ako ng ganito kahit na buntis ako sa anak nya, 5 1/2 months pregnant na ako. Iniwan nya lang ako na mag isa dito sa ganitong panahon. Mag fifirst wedding anniversary na rin sana kami sa January 18 pero kung lalayas ako dito baka maghiwalay na talaga kami. Gustong gusto ko na umalis ayaw ko na sobra nya na kong sinasaktan. Tama lang ba na umalis na ko dito bukas 😢

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

if I were you. uuwi muna ko.. Hindi mo rin nmn makakaya mkipag usap objectively ng Ang sama din Ng pakiramdam mo . nakaya ka ngang iwan eh.. bakit ka mag titiis. Hindi k nga naisip man lang.. mag palipas muna kayo ng panahon n mag kahiwalay. para makapag isip isip ka rin Kung gusto mo p b ituloy. ska parang Ang babaw Kasi para iwan ka.. gets mo ko? holiday yun para sa Inyo. pero pinairal init Ng ulo.. haha parang Ang immature. mas gusto ko pang mag Isa kesa nakatapak sa salamin na konting galaw mababasag. d mo nga Alam san ilulugar sarili mo Diba? kaya hayaan mo muna siya.. focus k muna Kay baby. bakit mo iisipin lagi Ang sasabhin ng ibang Tao? maiintindihan k Ng family mo. my choice k nmn na tumahimik at sabhin n may pinag dadaanan kayo mag Asawa kaya choice mo n umuwi muna at ayaw mo pag usapan. maiintindihan Nila yun. no need to give details..

Magbasa pa