Possible na buntis?
Hello po sino po dito nakaexperience na mag pa TRANS V pero wala papomg nakita na baby, kumbaga too early papo at positive sa PT. Then sabi ng obgyne makapal ang matress at possible na buntis daw po and matagal lang daw mag ovulate ang egg??

Ako po nun last week ng April 2023 nagpa TVS ako kasi positive PT ko 3 days delay... but during TVS may dugo ako, then wala nakita na pangangapal even ng lining... so pagbalik ko sa OB ang advise sakin is magpa Serum test to double check since positive PT ko... di ko ginawa kasi inassume ko na nireregla na ko kasi marami un dugo ko eh, nagtuloy tuloy on and off ng May until June 3... june 4 onwards di na ko nagkaron, so decided to take PT and postive ulit... last week ng July na ko nagpa TVS ulit, tas nilagay ko na LMP is June 3... sa bilang dapat 8-9wks na ko... but to my surprise even ng OB, 13wks 5days na pala un tiyan ko... so meaning April nga during nun first PT ko buntis na ko kasama pala sa bilang un paumpisa pa lang...
Magbasa paIlang weeks napo ba kayo ?? Nung nagpunta ako sa ob 4weeks and 5 days palang ako , pero wala pa nakita as sabi need ulitin then sabi sakin bumalik ako after 10 days pero nakabalik ako 11 days after at may nakita ng gestational sac tapos need ko magpa radiologist kase iba iba ang gamit nila (OFW ako) then may nakita na sila sa loob pero fetal pole palang then need ko na naman bumalik after 2 weeks for heartbeat , pray lang mommy ganyan talaga pag masyado early nadetect ung pregnancy
Magbasa pailang weeks ka mi? kase ako ngayon sa second baby ko nagpositive ako sa pt nagpa check up ako agad tapos sabi ng Ob ko too early pa raw, nakita sa ultrasound ko thick linning nung matres ko tapos nirefer ako ng trans v after 4weeks ayon nagpa trans v ako 6weeks and 6days may heartbeat na siya tapos may sac at maliit na parang tuldok sa loob. wait kapa mima ng ilang weeks 2weeks o 3weeks baka too early lang din yan same sakin.
Magbasa paSa akin po sa 2nd baby ko sana 6weeks, sac lang po nakita wala pa si baby. Kaya pinababalik ako sa loob ng 2 linggo kaso nung malapit na magdalawang linggo dinugo na ako. Nung bumalik ako wala na yung sac at walang baby. Kaya niraspa na ako, pero naniniwala ako na kung para sa iyo, para sa iyo talaga. Kaya pray lang🙏, sa ngayon Im 4months preggy na ☺️
Magbasa pa2 weeks ako noon nung nagpa check up ako kay OB since nag-positive ako sa PT. Wala pa din si baby pero sabi ni doc sure na daw na pregnant since may yolk sac. Now, sinuggest niya na magpa TVS ulit ako to confirm pregnancy after 2 weeks ulit kasi early pa nga daw. Ayun, positive hehe. I tried din na magpa TransV sa ibang clinic. Confirm din na pregnant talaga.
Magbasa pamas ok talaga mag pacheck up ng mga mag 12weeks na, kase ako dati mag two months palang (6weeks) hindi pa nakita tapos sabi bugok daw, gusto agad ako iraspa pero nag pa 2nd option ako ayun ok naman baby ko and super healthy niya now.
trans v wala pa makita. pinabalik ako after 2 weeks pero that day din ng trans v ko nag pa serum test ako, positive naman. after 2weeks trans v uli wala pa hb balik uli after 2weeks (8weeks as per 3rd trans v) may heart beat na.
yung sakin po ganito po, 6 weeks po nung nagpa transv, may heartbeat na din po si baby pero may nakita po silang myoma sa right ovary ko 🥺 pero diko masyado iniisip para iwas stress.

buti pa sayo may nakita na. sakin tlgang wala pa. pero 7weeks na ako nong 23.
too early pa to check mg try ka ulit after 1 to 2 weeks for the mean time mg take ka folic acid pra sa development ng baby mo keep safe and wag ngpa stress at wag mg overthink
Me po. First time ko mag pa trans V 3weeks preggy ako . Nakita sya ng 7weeks mi başta positive sa PT at Baka ilang beses kang ulit eh positive na po talaga yun
Got a bun in the oven