Away mag asawa

Nag away kami ni mister dahil kakalaro niya sa cp. at ako kakatapos ko lang maghugas ng plato at magluluto na. Nagpapatulong lang ako sakanya pero nagalit siya. Sinumbat niya pa na siya taga pamalengke. Try ko daw sumama sakanya magpalengke para alam ko. Di po ako sinasakay ng tryc ng mister ko kasi baka matagtag ako pero grabe na siya mag sermon sakin. Binabagsak niya lahat ng gamit at sobrang lakas ng boses niya sinisigawan ako nahihiya nalang ako sa mga kapitbahay namin. Wala ako magawa kundi umiyak ng umiyak dahil hindi niya man lang naisip na buntis ako. Lagi nalang ganito tuwing mag aaway kami babagsak lahat ng gamit at sisigawan ako. Good provider naman po siya at di babaero. Yung ugali niya lang po na mainitin ang ulo ang problema sakanya. Ahead po ako ng 1 year. 26 po ako 25 siya. Di ko na po alam gagawin ko minsan dahil bka maapektuhan si baby kakaiyak ko. Sama ng loob ko sakanya at gusto niya kausapin ko siya ng parang walang nangyare. πŸ˜₯πŸ˜₯ advice namab po mga mami na kagaya kong nakakaranas ng ganto sa mister nila. Mag 2yrs na po kaming kasal. #FTM #advicepls

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

haha ganan din lip ko. hilig magdabog. o kaya kapag galit dika kakausapin, kapag naman naman kinausap ka di ka tatama, lahat ng sabihin ko may counter attacked sya. masipag sa bahay lip ko kaya kahit gumawa ako di nya naa appreciate kasi para sa kanya sya yung always pagod na pagod. sya kasi laba at linis ako naman luto minsan natatamad pa kaya madalas mainit ulo nya sakin kasi tatamad ako magluto nabili na lang kami, e kasi naman kapag nagluluto ako gusto ko nasa ayos, sya naman gusto nya dalian ko kasi may 4yo kami na medyo intindihin pa talaga at newborn 1mo old babies. share kami sa kids pero dahil ako ang mama mas hands on ako lalo sa gabi. di sya pwede mapuyat kasi iinit ulo nya. pero sya pa din ang pagod. basta all in ang lagay e walang bilang mga ginagawa ko. sya lang magaling kasi sya lagi pagod, sya lang nagsasacrifice, sya lang magaling. BOOM! Dati kasi daw ganda ng buhay nya pero pinili nya ako e.. parang dapat pagbayaran ko yon. hirap din, di pang naman ako yung may desisyon na magsama kami noon. kaming dalawa. pero bakit parang galit sya, parang kasalanan ko? bakit kasalanan ko? 🀣🀣 ang isa pang nakakawindang, kahit ano pa ginagawa ko basta nakisuyo sya na iabot ko sa kanya yung bagay na need nya dapat sunod agad ako walang teka teka kasi talagang issue. haha sya na din nagdedesisyon ng feelings ko. kapag nakain ako at nauna sya matapos then umiyak si baby, kakargahin nya then hele hele sabay lalapit sakin kahit nakain pa ako kakausapin si baby habang nakatayo sa harap ko "tapos na si mama" kahit hi di pa 🀣🀣🀣 so ako maglilikom ng plates, sisinghal yun na "bilisan mo naman ma gutom na baby, ako na nga dyan" so ako paspas na din inom water, wash hands, sa damit ko na ako nagpupunas. LOSYANG NA LOSYANG NA LOSYANG NA BESH! pero generous sya sa pagpapatulog sakin pwede ako matulog basta di iiyak si baby for dede kasi BF kami. kapag di ako bumangon masusumbatan tayo na ginusto ko mag BF 🀣 SO AYUN, SANA MEDYO GUMAAN LOOB MO NA MAY MAS MALALA PA DYAN SA SITUATION MO πŸ˜…

Magbasa pa

Communication is the key sis. Lahat po pagusapan nyo pati yung pamamalengke na rin if bothered asawa nyo about dun. Naglalaro din asawa ko sa cp nya pero naiintindihan ko din since alam ko yung laro nya. Pag may inuutos ako sinasabi ko sa kanya with matching after ng game mo o minsan mag aask ako ng ilang minutes nalang bago matapos yung game. Minsan kase doon nalang nya nailalabas stress nya sa work at magaasikaso pa sya sa akin. Lalo na nung 1st Trimester na di ako makagalaw masyado sa gawaing bahay. Nasabi ko na rin sa kanya nung simula na di nya nagagawa yung mga bagay na inutos ko sa kanya dahil sa laro. Nag compromise kami dalawa at yun na ang naging solusyon. Kung maglalaro sya at may utos ako, after ng game nya magagawa lalo na kung ang laro ay Ranking. Nevertheless, ang gawin mong priority si baby. Kung tingin mo ay di na talaga madaan sa usap ngayon, pansamantalang umuwi ka muna sa magulang mo to relax and destress. Try for a few days or few weeks lang para di naman burden kahit papaano sa mga magulang. After that talk it out again and as much as possible yung walang sigawan.

Magbasa pa
VIP Member

sana ol ganyan partner gaya sa mga nagcomment, ako ewan ko nung bago palang ako buntis ok naman kaso naglalaba ako nun pero tumutulong parin naman sya ngayon bumaligtad kung kelan hirap na ko magkililos dahil sa tiyan ko at bigat ng katawan ko hinahayaan nya nalang ako kahit pa nag rereklamo na ko na may masakit sakin gaya pag nakatayo ako ng matagal sumasakit po yung sa may cervix banda parang may tumutusok kase naghugas ng mga pinggan sasabihin nya sya na daw maghuhugas eh ako naman ayoko ng nakakarinig ng mabunganga na yung hugasin ganito ganyan kaya hinuhugasan ko na po agad kase nahihiya po ko sa mama nya ending ako parin gagawa kahi sabi nya sya na daw. kaya balak ko talaga pag nanganak na ko gusto ko kay mama muna ako di naman dahil sa ayaw ko dito sakanila kaso wala kase ako katuwang sa pag aalaga tsaka First time ko po maging mommy di ko pa gamay mag alaga ng bataπŸ₯Ή at least samin kahit papano nandun mga kapatid ko mga excited sa paglabas ng pamangkin nila pati mama ko

Magbasa pa

I feel you sis. Ganyan din minsan asawa ko mainitin ang ulo,pero minsan lang naman.pag alam kung mainit ulo nya tatahimik nalang ako kasi ayoko humaba kaya ako nalang nagpapasensya..di rin kasi natin maiwasan baka stress or pressure sa work kaya ganun mood ngmga mister natin minsan. Iniiyak ko nalang sa gabi ung sama ng loob ko. Ngaung buntis kasi ako iyakin ako kaya umiiwas ako na mag away kami kasi pag naumpisahan ko umiyak tuloy2 na. Auko maapektohan si baby sa tyan ko kaya nagpapakumbaba ako pag mainit ulo nya..pero pag okay na mood nya nagsosorry naman at nilalambing, bumabawi naman sya... Ganun talaga kailangan natin lawakan ung pagunawa natin sa mga asawa natin. As long as di naman umabot sa Punto na pagbuhatan ng kamay at sabihan ng masakit na salita tanggapin at unawain nalang natin..

Magbasa pa

Hi mmy, umuwi ka na po muna sa parents mo, makakasama po sa baby ang stress.. pwede po kayong magpreterm labor gaya nang nangyari sa akin dahil sa stress.. pero hindi naman dahil sa asawa ko ha πŸ˜‚ pero hindi po tlga maganda yung ganyan kaya mabuti pa po umuwi na po muna kayo sa parents nyo yung hindi kayo masstress at aalagaan po kayo nang walang kasamang sumbat. mahilig din mag laro ang asawa ko pero hindi naman nya ako sinusumbatan. Nagagalit pa nga sya kapag ako ang naghuhugas nang pinggan kung minsan. Ang payo ng doctor sa akin bago ako madischarge sa ospital is palayasin ang asawa kapag inistress ka ng asawa πŸ€£πŸ˜‚ kaya mmy kung dmo sya mapapalayas eh umuwi kana sainyo πŸ˜‚πŸ€£

Magbasa pa

hindi naman sa pag mamayabang pero subrang swerte talaga ako sa asawa, maalaga at lagi iniintindi ang topak ko, lalo na ngayong buntis ako mukang ng 3ple pa ang pag ka topakin ko . hehehe nag lalaro din naman cya, sinasabayan ko pa nga minsan, kahit pagod galing trabaho cya pa ang nag luluto pag dating ng bahay, gawa ng bed rest ako.. minsan kasi kailangan din natin intindihin ang pagod nila . o di kaya kailangan din nila ng time sa sarili nila kailangan mo ibigay yun.. minsan offer mo din massage mo cya o lambingin.. pam patatag din kasi nila yun... nag aaway din kmi pero mga 5 mins lang ok na kmi kasi mag sosory din agad kami sa isat-isa. hehehe understanding lang talaga ang kailangan nyo mi.. 😊

Magbasa pa

pangit naman po ng ugali ni mister,layasan mo muna mi uwi ka sa parents mo sobrang sama ng stress sa buntis 2 preterm labor n ako dati, hindi maalaga dati asawa ko pero hindi nmn ako sinisigawan hormones ko lang talaga din ang problema ko noon kunting bagay iniiyakan ko, pero ngaun inaalagaan n nya ako sa totoo nga lang ayaw n tlaga nya ako magbuntis mas ok n daw di madagdagan anak nya kesa manganib n nmn buhay ko,kaya ngaun ingat n ingat xa iintayin pa ba ng asawa mo na maranasan nya un naranasan ng asawa ko na makita akong sobrang daming dugo na lumalabas sa pwerta ko pero wag nmn sana mangyari sau mi kaya uwi ka muna sa inyo mabawasan stress mo

Magbasa pa

Sakin kasi is talagang sinama ko sa center ang asawa q para malaman nia ang bawal at dapat nia gawin since na buntis po aq lagi nalang aq sa bhay at ayaw nia na mag ggwa aq ng kong anong mga gawain pag uwi nia sya pa mag lluto kasi alam nia na bawal mapagod at ma stress ang buntis 30 years old na ako asawa q naman 24 years old . alam nia na bawal talaga tayong ma stress na mga buntis at lalo na ang pag iyak kasi koniktado po yan sa bata savi kasi sa center pag ganyan daw possible daw mag ka roon ng butas ang puso ng bata .. kaya ako sayo sis doon ka nlang kaya muna sa patents mo para safe kyo ni baby at iwas stress ... β™₯️

Magbasa pa
3y ago

sa akin po dati nag cause ng pre term labor ang stress na ako din nmn may gawa kunting bagay kc iniiyakan ko,nag aaway kami tapos kapag di ako nasunod iiyak n nmn kaya ngaun ayaw ako istressin ng asawa ko at nagmature n din nmn ako hindi n ako iyakin sa pagbubuntis ko ngaun, ayaw n din nmn makita ng asawa ko na dinudugo ako ng napakrami dahil sa nakunan n nga ako sa stress kht pa alagang OB din aq

aw akala ko ako lang nakakaranas ng ganto! plagi ko nalang iniisp baby ko sabi ko pag nairaos ko saka ako papalag sakanya ksi ngayon iyakin tlaga tayo konting sigaw lang iiyak na minsan mag isa ako nag bbreak down ako kakausapin ko si lord na help nya ko na makalaya sa gantong sitwasyon d natin deserve yung ganyang tao, kaya buti dko naiisip magpakasal kahit magkka anak na kami ksi puro red flag na nakikita ko sa jowa ko mag 5yrs na kami naging bugnutin na siya konting kibot lang akala mo tatlong beses na tinanong tapos mumurahin na ko na akala mo wla akong nararamdaman laban lang mamshie. bilog ang mundoπŸ™πŸ˜Š

Magbasa pa

pagusapan nyo ng maayos ang problema, ngayon kung d sya madaan sa usapan at sobrang naiistress kana talaga,umuwi ka muna sa inyo para makahinga ka, delikado sa buntis ang stress kaya hanggat maari iwasan mo, madalas din kc ang lalaki kapag inuutusan ng inuutusan naiirita din lalo na pag nglalaro yan sila,kaya hanggat maari kapag nasa wisyo yang asawa mo kausapin mo at ipaintindi sa kanya ang sitwasyon mo, para maunawaan ka niya, ang ibang lalaki kc paggawa lang ng bata ang alam, ung kalakip na responsibilidad pag anjan na ang baby d na nila maintindihan kailangan ipapaintindi pa sa kanila

Magbasa pa