Away mag asawa

Nag away kami ni mister dahil kakalaro niya sa cp. at ako kakatapos ko lang maghugas ng plato at magluluto na. Nagpapatulong lang ako sakanya pero nagalit siya. Sinumbat niya pa na siya taga pamalengke. Try ko daw sumama sakanya magpalengke para alam ko. Di po ako sinasakay ng tryc ng mister ko kasi baka matagtag ako pero grabe na siya mag sermon sakin. Binabagsak niya lahat ng gamit at sobrang lakas ng boses niya sinisigawan ako nahihiya nalang ako sa mga kapitbahay namin. Wala ako magawa kundi umiyak ng umiyak dahil hindi niya man lang naisip na buntis ako. Lagi nalang ganito tuwing mag aaway kami babagsak lahat ng gamit at sisigawan ako. Good provider naman po siya at di babaero. Yung ugali niya lang po na mainitin ang ulo ang problema sakanya. Ahead po ako ng 1 year. 26 po ako 25 siya. Di ko na po alam gagawin ko minsan dahil bka maapektuhan si baby kakaiyak ko. Sama ng loob ko sakanya at gusto niya kausapin ko siya ng parang walang nangyare. 😥😥 advice namab po mga mami na kagaya kong nakakaranas ng ganto sa mister nila. Mag 2yrs na po kaming kasal. #FTM #advicepls

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

haha ganan din lip ko. hilig magdabog. o kaya kapag galit dika kakausapin, kapag naman naman kinausap ka di ka tatama, lahat ng sabihin ko may counter attacked sya. masipag sa bahay lip ko kaya kahit gumawa ako di nya naa appreciate kasi para sa kanya sya yung always pagod na pagod. sya kasi laba at linis ako naman luto minsan natatamad pa kaya madalas mainit ulo nya sakin kasi tatamad ako magluto nabili na lang kami, e kasi naman kapag nagluluto ako gusto ko nasa ayos, sya naman gusto nya dalian ko kasi may 4yo kami na medyo intindihin pa talaga at newborn 1mo old babies. share kami sa kids pero dahil ako ang mama mas hands on ako lalo sa gabi. di sya pwede mapuyat kasi iinit ulo nya. pero sya pa din ang pagod. basta all in ang lagay e walang bilang mga ginagawa ko. sya lang magaling kasi sya lagi pagod, sya lang nagsasacrifice, sya lang magaling. BOOM! Dati kasi daw ganda ng buhay nya pero pinili nya ako e.. parang dapat pagbayaran ko yon. hirap din, di pang naman ako yung may desisyon na magsama kami noon. kaming dalawa. pero bakit parang galit sya, parang kasalanan ko? bakit kasalanan ko? 🤣🤣 ang isa pang nakakawindang, kahit ano pa ginagawa ko basta nakisuyo sya na iabot ko sa kanya yung bagay na need nya dapat sunod agad ako walang teka teka kasi talagang issue. haha sya na din nagdedesisyon ng feelings ko. kapag nakain ako at nauna sya matapos then umiyak si baby, kakargahin nya then hele hele sabay lalapit sakin kahit nakain pa ako kakausapin si baby habang nakatayo sa harap ko "tapos na si mama" kahit hi di pa 🤣🤣🤣 so ako maglilikom ng plates, sisinghal yun na "bilisan mo naman ma gutom na baby, ako na nga dyan" so ako paspas na din inom water, wash hands, sa damit ko na ako nagpupunas. LOSYANG NA LOSYANG NA LOSYANG NA BESH! pero generous sya sa pagpapatulog sakin pwede ako matulog basta di iiyak si baby for dede kasi BF kami. kapag di ako bumangon masusumbatan tayo na ginusto ko mag BF 🤣 SO AYUN, SANA MEDYO GUMAAN LOOB MO NA MAY MAS MALALA PA DYAN SA SITUATION MO 😅

Magbasa pa