Away mag asawa

Nag away kami ni mister dahil kakalaro niya sa cp. at ako kakatapos ko lang maghugas ng plato at magluluto na. Nagpapatulong lang ako sakanya pero nagalit siya. Sinumbat niya pa na siya taga pamalengke. Try ko daw sumama sakanya magpalengke para alam ko. Di po ako sinasakay ng tryc ng mister ko kasi baka matagtag ako pero grabe na siya mag sermon sakin. Binabagsak niya lahat ng gamit at sobrang lakas ng boses niya sinisigawan ako nahihiya nalang ako sa mga kapitbahay namin. Wala ako magawa kundi umiyak ng umiyak dahil hindi niya man lang naisip na buntis ako. Lagi nalang ganito tuwing mag aaway kami babagsak lahat ng gamit at sisigawan ako. Good provider naman po siya at di babaero. Yung ugali niya lang po na mainitin ang ulo ang problema sakanya. Ahead po ako ng 1 year. 26 po ako 25 siya. Di ko na po alam gagawin ko minsan dahil bka maapektuhan si baby kakaiyak ko. Sama ng loob ko sakanya at gusto niya kausapin ko siya ng parang walang nangyare. 😥😥 advice namab po mga mami na kagaya kong nakakaranas ng ganto sa mister nila. Mag 2yrs na po kaming kasal. #FTM #advicepls

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Communication is the key sis. Lahat po pagusapan nyo pati yung pamamalengke na rin if bothered asawa nyo about dun. Naglalaro din asawa ko sa cp nya pero naiintindihan ko din since alam ko yung laro nya. Pag may inuutos ako sinasabi ko sa kanya with matching after ng game mo o minsan mag aask ako ng ilang minutes nalang bago matapos yung game. Minsan kase doon nalang nya nailalabas stress nya sa work at magaasikaso pa sya sa akin. Lalo na nung 1st Trimester na di ako makagalaw masyado sa gawaing bahay. Nasabi ko na rin sa kanya nung simula na di nya nagagawa yung mga bagay na inutos ko sa kanya dahil sa laro. Nag compromise kami dalawa at yun na ang naging solusyon. Kung maglalaro sya at may utos ako, after ng game nya magagawa lalo na kung ang laro ay Ranking. Nevertheless, ang gawin mong priority si baby. Kung tingin mo ay di na talaga madaan sa usap ngayon, pansamantalang umuwi ka muna sa magulang mo to relax and destress. Try for a few days or few weeks lang para di naman burden kahit papaano sa mga magulang. After that talk it out again and as much as possible yung walang sigawan.

Magbasa pa