Away mag asawa

Nag away kami ni mister dahil kakalaro niya sa cp. at ako kakatapos ko lang maghugas ng plato at magluluto na. Nagpapatulong lang ako sakanya pero nagalit siya. Sinumbat niya pa na siya taga pamalengke. Try ko daw sumama sakanya magpalengke para alam ko. Di po ako sinasakay ng tryc ng mister ko kasi baka matagtag ako pero grabe na siya mag sermon sakin. Binabagsak niya lahat ng gamit at sobrang lakas ng boses niya sinisigawan ako nahihiya nalang ako sa mga kapitbahay namin. Wala ako magawa kundi umiyak ng umiyak dahil hindi niya man lang naisip na buntis ako. Lagi nalang ganito tuwing mag aaway kami babagsak lahat ng gamit at sisigawan ako. Good provider naman po siya at di babaero. Yung ugali niya lang po na mainitin ang ulo ang problema sakanya. Ahead po ako ng 1 year. 26 po ako 25 siya. Di ko na po alam gagawin ko minsan dahil bka maapektuhan si baby kakaiyak ko. Sama ng loob ko sakanya at gusto niya kausapin ko siya ng parang walang nangyare. πŸ˜₯πŸ˜₯ advice namab po mga mami na kagaya kong nakakaranas ng ganto sa mister nila. Mag 2yrs na po kaming kasal. #FTM #advicepls

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magpray ka lng everyday sis na baguhin ni Lord ang asawa mo wag kng magsawa magpray walang impossible sa Diyos. Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi kahit kailan hindi pa ako sinisigawan o minura ng asawa ko kahit sobrang topakin ko. Naglalaro din siya ml pero tinigil niya kasi sumasabay din ako sa knya maglaro wag na daw kami maglaro kasi daw si baby kaya siya mismo nagbura ng laro pati ml koπŸ˜…πŸ˜‚. Sobrang thankful ako kay Lord siya binigay sakin at saka pinagpipray ko din yun, nakapaconsistent din ng asawa ko kung ano siya dati hanggang ngayon ganun prin siya 😊❀️😘.

Magbasa pa

naglalaro dn asawa ko pero nung nagbuntis ako once na nagsabi ako s knya na ikaw muna magluto o kaya mamalengke ok lng s knya..at ska alaga nya ako nung magbuntis ako hangggang ngayon na nakapanganak na ako kaht sya pa ang naghahanap buhay smen never nya ako pinabayaan sa pagbubuntis at pagaalaga ng bata.. ipagdasal n lang natin na magbago ang ugalu ng iyong asawa na sna maging mabuting partner lalu na sa pagbubuntis mo at sa soon pag nakapanganak kana..mas lalu ka kasi mahhirapan pag nangank kana..

Magbasa pa

Uwi ka na lang muna sa magulang mo kung ganyan. Kesa mastress ka kasama asawa mo. Makakasama yan sa baby mo. Dahil lang sa naistorbo sya maglaro ganyan na gagawin nya? What if nandyan na si baby nyo syempre kailangan magalaga may times pa na magdamag kelangan bantayan. So ano na gagawin nya? Sa ngayon mi mas mabuti na umalis ka muna dyan sa inyo kasi pag lagi ganyan kawawa baby mo. Di pa man nalabas makakaranas na agad ng stress

Magbasa pa

umuwi ka Muna sa magulang mo.. para maranasan Nia na Wala ka sa Bahay.. savhin mo sa knya nkakahiya nmn kasi sau Panay reklamo kna sa Buhay mo dto Muna aq sa magulang q.. Nako nakaka gigil Ang ganyan Asawa buti n lang aq na swertehan.. uwi ka Muna sa magulang mo kasi paano pag nanganak Kapa bka isumpa kna Nyan sa hnd mo pag kilos.. hays may mga lalaki talaga na akala nila Ang pagbubuntis ay npakadaliπŸ˜”πŸ˜” ingat ka lagi ah..

Magbasa pa

Asawa ko din puro laro sa cp hahaha actually di ko asawa kasi di pa kami kasal hahahaha mag live in partner palang. Pero nung nag buntis ako kahit in game sya kung anong sabihin ko gagawin niya, para iwas stress. Hanggang ngayon na nanganak nako, di niya parin ako pinapabayaan. Uwi ka nalang po muna sa parents mo para maalagaan kang mabuti jusko di ka pa nanganak ganyan na sya, what more pag lumabas na anak niya.

Magbasa pa

Alam nyo po, Unang una sa lahat kahit pa good provider yan kung sa ganyang panahon na mas kailangan natin sila e ganyan pa gagawin nila, Di nyan deserve asawahin ate. Mag buntis palang mahirap na tapos gaganyanin ka lang? Ay nako very wrong. Mabuti nlng swerte ako sa asawa ko dahil mula noon hanggang ngayon na buntis ako never akong pinabayaan mag isa kumilos, Mas nag aasikaso pa sya sa bahay kesa sakin

Magbasa pa

Momsh punta ka muna sa parents mo. Baka ano pang mangyari sa inyo ng baby mo. Masama sa buntis ang nastress samahan mo pa ng sama ng loob. Hindi healthy sa inyo ni baby yung ganyan. Hindi natatapos ang responsibilidad niya bilang asawa sa pagbibigay ng pera. Soon to be father na siya pero jusko ang asta binata. Daig pa niya mga teenager momsh. Red flag malala, never naging okay na sigaw sigawan ka ng asawa mo.

Magbasa pa

ever since mag jowa palang kmi ng live in partner ko give and take kami sa mga gawain, pero nung nabuntis na ako mabait siya inuutusan ko talaga siya ng gawain bahay or kahit ano pa man kahit nag wowork pa siya. pero siempre may gagawin din ako katulad ng may pagkain na pag uuwe siya ng bahay at mga labahan diko pinagagawa hanggang kaya ko. Masasabi ko na swerte ako sa partner ko kasi masipag at mabait

Magbasa pa
VIP Member

di nagbabagsak ng gamit partner ko pero sinisigawan nia ako lalo na kapag mainit ulo nia,pasok na lang ako sa kwarto sabay hagulgol kase diko mapigilan sarili ko,mababaw lang pakiramdam ng mga buntis eh super sensitive pa,pero after a while susunod din sia sakin di nia binabanggit yung word na"sorry"sakin pero nilalambing nia ako,and i know na nagpapakumbaba na sia.after nun ok na kamiβ™₯️

Magbasa pa
3y ago

ako mi hindi nya ako sinunod sa utos ko alam nya na bawal aq maglalabas kc medyo risky pagbubuntis ko, pinabibili ko xa ng gulay para sa nilaga dahil night shift xa ayaw nya sumunod dhil inaantok pa daw xa pero halos sakto nmn sa oras ng gising nya ako nag utos kaya ayun dahil hindi xa sumunod kumain xa ng pinakuluan karne na may paminta at asin magtiis xa sa ulam ayaw nya kc sumunod eh... kami ng anak ko iba nag inulam nagprito n lang ako ng itlog

Akala ko ako lang haha Ganyan din partner ko sinisigawan ako, sinasabihan ng masasakit na salita at nagdadabog kapag nag aaway kami buntis din ako mi. Sobrang stress ko talaga lagi hinahayaan lang umiyak ng umiyak wala naman ako choice kasi wala akong trabaho at wala akong mauuwian kaya tiis lang hanggang sa makaraos at makapagtrabaho ulit.

Magbasa pa