Si baby ko 9months+ na and suddenly from 2x pooping a day bgla ciang nagtae and 6-7x a day na. I asked her pedia about it, hndi cia concerned kasi daw normal un sa breastfed babies daw.
I went to another pedia after a week kasi ngkaron ng allergies ang baby ko, and I mentioned the watery poop to this pedia, and hndi rin cia worried. Sabi pa nya muka daw hndi naman dehydrated si baby and hyper naman daw, and wg ko nga daw painumin masyado ng water kasi dumedede naman sakin. This time, I insisted na something's wrong kasi bglang ang daming beses nya nagpoops in a day from 2x a day to 7x a day tpos watery tlga na parang may sipon ung pupu nya. Minsan parang orange juice na may onting pulp lang ang solid na mkkta mo sa pupu nya.
Pumayag si 2nd pedia to have her stool checked, and nalaman nga na may amoeba cia. Flagyl 3x a day @2.5ml, erceflora 2x a day, and zinc 1ml per day and mga reseta sknya.
Active and walang naiba kay baby ever since, ung pupu lang nya tlga may problema kaya ako nagstart magworry. 4 days na cia naggagamot ngayon, pero nakkta ko pupu nya ganon pa rin itsura, hndi pa masyadong solid, altho mas solid cia ngayon kumpara nung hndi pa cia naggamot, and mga 4x a day nlng ngayon. Kumbaga dati halos parang orange juice ang tae nya, ngayon prang taho na ang consistency. Bakit parang ang tagal ata umayos ng pupu nya kahit 4 days na cia sa antibiotics? Meron po ba dito may experience na nagkaron ng amoeba ang baby nila?
Read more