Byenan

Im 5 months pregnant. Halos 3 months palang tyan ko, sinabihan na ako ng byenan ko na umuwi daw ako sa amin pag nanganak ako and then balik nalang daw ako pag malakas na ako which is nakakasama ng loob. Patay na NANAY ko, tatay at tatlong kuya nalang ang meron ako. Which is paano yun? Ano alam ng mga kuya ko sa pag-aalaga ng bagong silang na bata diba. Nakakasama lang talaga ng loob, dahil parang hindi niya apo yung ipapanganak ko, porket kasabayan kong nabuntis yung hipag ko (kapatid ng asawa ko) mas iyun ung pinapaboran nya. At mabuti sana kung buhay pa yung MAMA ko. Ok lang, kahit hindi nila sabihin uuwi ako sa amin pag nanganak ako. Nakakaawa lang yung asawa ko kasi parang naiipit siya sa amin. Dahil hanggang ngayon pinagseselosan parin ako sa atensyon ng nanay niya.? Shareko lang. Mabigat na masyado e.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

may mga biyenan din ganyan. pareho tayo. hindi kami yung paborito kasi kaya iba turing sakin at sa mga anak ko ng biyenan ko. ni hindi niya alam bday ng mga apo niya, nakakaloka. pero isipin mo na lang din na hindi din niya naman kasi responsibilidad dapat ang pag aalaga ng anak mo. kayong mag asawa ang may kargo niyan at hindi magulang mo/ng asawa mo. sorry pero ganun talaga pag nagkaroon ka ng anak, wala kang maaasahan at dapat asahan kundi sarili mo.

Magbasa pa

Alam mo mas maganda bumukod na lang kayo ng mister mo. Hindi makitira sa side mo or sa side nya. Mas mahirap, pero worth it naman.

5y ago

Naka bukod po kami pero ang lapit lang namin sa kanila. Tapos nakukuha pang magselos dahil daw wala ng oras ung asawa ko sa kanila. Ang gusto yata pagkagaling sa work ng asawa ko e, ipagwalis pa sila ng bakuran. Hahaha