Pag lilinis ng ears ng 4 year old boy
Recently my son wants to do things on his own. Ngayun gusto naman nya itry linisin ang sarili nyang ears. This is the 2nd day na kinukulit nya ako. đ Kung ako lang ayaw ko baka matulad sa lolo nya nabutas ear drums. Pero iniisip ko din sempre baka part to ng growth nya na magawa nya yung mga bagay na kaya na nyang gawin magisa. Papayag ba ako? Or ako parin gagawa para sa kanya? #worriedmomhere #adviceplease #salamat_po_sa_pagsagot #FTM #growingkids
Read moreMagkano ba magpakuha ng test sa pedia? Test for any disability para sa 4 years old? Every time na papasok ng daycare ang 4-year-old boy ko nagiging aggressive siya sa loob ng room(maliit lang yung daycare). Madalas hindi nya makasundo ang teacher nya lalo na pag sobrang pinipilit xa ng teacher nya to do something, hahawakan or kukunin xa ng teacher nya nagsisimula na xa manakit, manipa to push the teacher away from him. Irritated siya sa sikip, init at minsan pag nagiging loud na sa loob lalo xang nag bburst out. Ilang beses na ako sinasabihan ng teacher sa day care na magpa consult sa pedia dahil sa behaviour ng anak ko. Baka may SOMETHING daw sa anak ko. Mejo sceptical ako dahil sa daycare lang naman nag iibang anyo ng personality ang anak ko. #pleasehelp #respect_post #magkano #specialneeds #disability #pedia #pediatrician #behaviour
Read morePangalawang beses na nanuntok anak ko ngayung araw dahil nagalit siya nung sinaway ng dadi nya(mga 30 mins na nakalipas). Syempre pinagsabihan ko, pinagsabihan din ng life partner ko. Syempre narinig ng nanay ko. At syempre umiyak yung bata. Pagkatapos umupo kami sa may lamesa para mag snacks at nandoon din mama ko. Baby: baka gusto din ni dadi mag snacks. Ako: sige puntahan mo si dadi. Ayain mo. Eh kaso mag sorry ka pala muna dahil sinuntok mo siya. Pumunta anak ko sa dadi nya. Nagsorry. Pinagsabihan ng dadi ayun umiyak ulit. Nagdabog nanay ko sa harap ko. Sinabihan ako gustong gusto daw namin pinapaiyak yung bata. Emotional abuse daw ginagawa namin! Nagsorry na yung bata pinaiyak nanaman daw. Nagpintig tenga ko so hindi ko napigilan sagutin. I know what she's doing. Ayaw nya naririnig iyak ng anak ko but for me that would be invalidating my child's emotion. Bakit ko pipigilan umiyak yung bata kung ayun ang emotion na nararamdaman nya?! Everytime na iiyak yung bata gusto nya patigilin ko agad dahil lang sa ayaw nya? Anyway, sumagot ko in the most calm and respectful way I can be: Hindi namin gustong pinapaiyak yung bata. Malang may ginawang mali kaya pinagsasabihan namin. Ano emotional abuse agad dahil umiyak nanaman? Naririnig nyong naguusap yung magama bakit di nyo muna pabayaan magusap yung dalawa. (Pero xempre deep down nang gigigil ako) Buti di na sumagot mama ko. Baka mapasigaw nako. I've been emotionally invalidated by my parents for my entire life. I was not allowed to show anger, irritation or any negative feelings towards them. And if I do syempre ako na masama, ako na bastos. Anyway, since nabuntis ako na realize ko yung mga ganitong bagay. So kung iiyak ang anak ko dahil yun ang gusto nyang ipakitang emotion then pababayaan ko siya. Pero kung nanuntok siya dahil galit siya, hindi ko yun itotolerate. Share ko lang. #firsttimemom #sharelang #parenting #bantusharing #VIP
Read moreAlam ng 3 years old ko sabihin kung siya ay nagagalit, natutuwa, excited, grumpy, etc. Although minsan hindi pa talaga accurate. I always do my best to validate my son's emotion lalo na yung mga negative. Ang problema ko yung parents ko. Pag "grumpy" or "angry" ang anak ko parati nila sinasabi HINDI dapat ganun or BAD magalit. Example: naiirita na anak ko sa kakakulit maxado ng papa ko. Tapos sasabihin ng anak ko nagagalit na daw siya at sasabihin ng lolo wag BAD MAGALIT. so idedefend ng anak ko "pwede magalit" I accept na naiirita na xa and I'm quite glad na alam nya sabihin kung ano nararamdaman nya. As a person na pinalaking invalidated ang emotions by my parents di ko alam kung paano ko sila dapat iapproach. Nagagalit kasi ako pag ginagawa nila sa anak ko kung pano nila ako na invalidate. I couldn't find the words na hindi sila masasaktan. So what i would always do kinakausap ko anak ko ng kaming dalawa lang at pinapaliwanag ko na okay lang yung nararamdaman nya. At lagi ko siya nireremind na mali ang manakit or mag tapon/manira ng toys pag galit. #advicepls #firsttimemom #pleasehelp #VIParents #growingtogetherwithmom #3yrsold
Read morePotty training: what did you do to help your LO?
My LO is ready to potty train. However I'm not really sure what to do. I refuse to buy those PLASTIC toilet things other moms usually buy for their baby's potty training. I prefer going straight to the toilet. Any tips? Recommendation? Techniques you did to help you LO? Sharing your experience can also help. #advicepls #1stimemom #PottyTraining
Read moreTurning 2 yrs during this pandemic
My sweet boy is turning 2 years old; and he's a single child. Everyday it worries me na wala siyang ibang playmates maliban saaming magasawa, minsan sa lolo at lola nya, ninang(sis ko) at jowa ng sis ko. Lahat adults. He seems very happy naman pero lumalaki xa na hindi nakakapag socialize sa mga kaedaran nya. Hindi ko din naman gusto i risk ang pagpunta sa mga pinsan nya lalo na may virus na kumakalat na mas nakakahawa. Feeling ko isolated anak ko. Feeling ko ang daming namimiss out ng anak ko dahil sa pandemic. I want to see him playing at the park and making friends. Just by the meer thought of this makes me sad sometimes. Although may mga nabasa akong article through the net na being with your kid during the pandemic makes the bond stronger. Playing with a parent instead of a sibling or another kid is actually not a big of a difference. We just have to make sure that we are looking out for our children and being a good example. #hopeful #pandemicbaby #parentaljourney
Read more