Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of 1 sweet daughter
byenan
Sino po dito may byenan na kapag nagkakasakit anak ko kulang nalang isumpa ka ng byenan mo ichichizmis ka pa na pabaya kang ina kaya nagkakasakit anak mo! Naiintindihan ko naman po sya concern sya sa apo nya pero wag naman po sana kahit may ibang tao ipapahiya ka sabihin lang na ikaw may kasalanan bakit nagkakasakit anak mo.
advice
Mga mommies hirap na hirap po ako pakainin baby ko 8months na po sya simula ng lumabas kami sa hospital ayaw na nya kumain 2 or 3 na subo lang ayaw na nya. Sa pang apat susuka na nya. Minsan pinatikim ko sya ng sinigang tuwang tuwa sya mas gusto nya may lasa na .
birth control
Mga mommies sana may sumagot po natatakot kasi ako mabuntis ulit sa maraming dahilan gusto kasi namin ni hubby 5 years age gap ng anak namin 8months palang baby ko ngayon at cs ako. Wala kaming ginagamit na birth control maliban sa withdrawal pero marami akong nababasa na hindi rin sya safe lalo na sa irregular. Yes po irregular mens ko kaya natatakot ako.. Ayaw ni hubby ng condom Bawal ako mag pills at injectiom dahil matass acid ko.. Ayaw ko ng implant dyan naoperahan boardmate ko dati dahil nagcacancer sya stage 1 dahil dyan.. Yung nilalagay naman po sa pem natin ayaw ko din kasi sa province namin maraming nagpaganyan pinaalis din nila kasi palagi sumasakit yung pem nila. Haizt kinausap ko si hubby na wag na kami mag ganon hihi..
solid food
mga mommies pa advice naman po kung paano lumakas kumain si baby ko going 8months na po sya simula na admit sya sa hospital nawalan na sya ng gana kumain dati ang lakas lakas nya kumain..
ubo sipon
mga mommies 3 days na ubo sipon ng baby ko kahapon nagpunta kami sa pedia wala naman daw plema sa niresetahan lang sya salinase saka allerkid. pero kagabi nakakaawa baby ko hanggang ngayon hindi makatulog ng maayos ubo ubo ang tigas tigas pa saka sipon nya kusa tumutulo nung nagpunta kami sa pedia hindi pa po ganito eh.
worried
mga mommy. baby ko kasi nung nakaraang gabi malakas ulan dito samin tapos maghapon mahanganin bigla kinabukasan super init naman. kaya baby ko inuubo ubo saka konting sipon ano po ba magandang gawen 7months old baby ko malakas naman po sya sa water and sa milk nya may vitamins din sya..
feedback
hello po. sino po dito nestogen gamit sa baby nila? maganda po ang nestogen? pa feedback po plss. papalitan ko po kasi gatas ng baby ko naglulusaw poop nya sa s26 kaya nestogen sana dahil need narin magtipid..
hi po! pwede po ba makahingi ng feedback sa mga nestogen ang gamit kay baby.. papalitan ko po kasi gatas ng baby ko hindi sya hiyang sa s26 hindi na po kasi namin kaya mas mahal pa dun..ty
poop
ask lang po ilang beses normal poop ni baby in 1 day? 7months po sya and formula feed.. galing po kasi sya sa lbm kaya natatakot na ko. 2x po sya nag poop ngayong araw una umaga madami pero ok naman po tapos hapon medyo konti lang pero may konting parang hindi natunaw na kalabasa.. mash po yung pinakain ko sa kanya.
baby food
hi! mommies ako po yung nagpost about sa baby ko na nglbm turning 7months na po sya this april 25.kainakain nya po kasi is fruits and veg. sinusunod ko po lahat ng sinasabi ng pedia sa tamang kain and nakalagay sa babay book nagreresearch din para alam ko if safe or hindi sa baby ko.. hinugasan mabuti pinapakuluan mabuti and eto pong mother in law ko nagagalit saming mag asawa lalo na sakin kasi pinapakin ko daw po agad ng gulay at prutas.. dapat daw po puro cerelac muna until 8months.. ako sinisisi nya bakit na admit baby ko.. sa hospital nung dumalaw sila hanggang sa nakauwi kami ako parin sinisisi nya. inuunahan nya pa ko minsan sa pagagawa ng pagkain ng baby ko at babantayan nya pa kung ipapakain ko. yes po andito kami sa house nila.. si husband nalang po nagsasalita tuwing pipigilan ako pakain ng gulay baby ko.. ano po ba pwede ko gawin..? kung bubukod po hindi pa po kaya kasi mag aaral po si mister ngayong june sayang po kasi 1 year nalang graduate na.. yan po baby ko..