Katya G. profile icon
PlatinumPlatinum

Katya G., Philippines

Contributor

About Katya G.

Soon to be a Mom!?

My Orders
Posts(12)
Replies(114)
Articles(0)

Share ko lang. Akala ko buntis ako, hindi pala, false positive

Nung na delay ang regla ko 2days, nag try ako mag PT. Positive result tho faded lines, the next day nag PT ako, ganun ulit, the following day nag PT rin ako positive ganun pa rin, lahat yun faded lines. Akala ko nun positive na at mababa lang yung level ng "HCG" sa katawan ko kaya hindi malinaw yung lines. So, nagpa checkup ako sa OB niresetahan ako ng pampakapit at folic acid considering na pregnant kuno, dapat next week pa ultrasound ko to check the viability inside my womb. Kaya lang hindi na umabot kasi on my 6th day delay nag spotting na ako, una akala ko pa nga "Implantation Bleeding" lang sya dahil dark brown yung spotting but then nag progress yung bleeding naging color red na yung discharge samahan pa ng crampings. I texted my OB at sabi nya sakin inuman ko ng pampakapit 2tablets. I did but the next day na confirm ko na hindi na sya spotting, talagang regla na sya dahil buo na yung mga dugo na lumalabas sakin at ang dami nya, hindi na kaya ng pantyliner lang. I felt sad and texted my OBGyn to see her immediately at her clinic. She also instruct me to do PT and the result was negative. I went to her clinic and she do transvaginal ultrasound to check my womb and she confirmed no signs of early pregnancy or any implantation inside my womb. Nalungkot ako, pero di na ako nagulat kasi nung dinugo ako ng malala. Alam ko na wala na talaga. Naiyak nalang ako. We are very excited to have a child pero ganun ang nangyari. I really felt sad and I'm crying inside. All I know to myself is I'm pregnant when I am not. My OBGyn told me, na pwede pa rin daw naman i-try ulit during my fertile days and pray to God na ibigay nya na si Baby. Lesson Learned: - Wag muna mag PT ng maaga mag intay ng 1-2weeks delay ang period. - Wag paranoid. Di maiiwasan pero wag muna isipin yung mga hindi pa naman nangyyari. - Nakaka stress mag antay? Mas nakaka stress yung malaman mo false positive ka. - Observe muna. Ingat na rin sa mga ginagawa habang nag aantay ng result ng pregnancy test. - Wag ideclare sa ibang tao na positive ang result ng PT mo hanggat hindi pa na confirm sa ultrasound ang viability ng baby mo. Ma stress ka lang magpaliwanag pag di natuloy pregnancy. - Better to consult your trusted OBGyn, you can get their best advice.

Read more
 profile icon
Write a reply