Share ko lang.

Yung sobrang sama ng loob mo kase pag galit ka di man lang dun mas lalo magfocus sayo o mas kausapin ka. Lagi ko naman pinapayagan maglaro si hubby mahilig kase sya sa online games, di ko naman binabawalan kase pagod na sa work pamparelax nya yon. Sinasamahan ko pa nga sya minsan maglaro, tapos yung kailangang kailangan mo ng kausap nasa work pa sya break time naman nya alam nya nagtatalo kami mas pinili nya maglaro. Pero sinabi ko nalang enjoy sya sa game ayoko nalang pahabain pero nalulungkot na talaga ko hays. Hirap pag buntis bukod sa emotional ka, di mo na nga maintindihan sarili mo wala pang iintindi sayo. Tapos sa bahay ka lang hayyy.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy! Same here, ako madalas naiiwan sa bahay magisa tapos nagbakasyon pa ko sa ibang bansa, hindi ko pa nakkita si partner ilang months na. Pag busy sya hinahayaan ko sya dahil naman sa business at work nya. pag gusto nya ko kausapin dun nalang kami naguusap, hindi ko sya pinipilit na magusap kami. Mahirap din kasi ipilit yung sarili natin sa kanila minsan kasi mas lalo lang sila naiinis. Anyway, kausapin mo si partner mo na kamo need mo din kausap minsan lalo na pag buntis ka. Sabihin mo na makakasama kay baby pag nagoover think ka, kausapin mo ng mahinahon magging okay din ang lahat :)

Magbasa pa