Pa advice naman po mga mima 😔

Yung MIL ko po ang nasusunod sa kung paanong way alagaan si baby. Alam ko naman po na mas marami siyang alam sa pag aalaga ng bata. Kahit ayoko, wala ako magawa. Si mil din madalas mag karga kay baby. Dun muna kami pinapatuloy sa bahay nila para may kasamang mag alaga. Pero nawawalan na ko ng gana na bumili ng mga gamit ni baby kasi halos lahat ng nabili ko, sinasabi niyang bawal muna gamitin kay baby. Mapa damit/essentials ni baby may nasasabi siya. Medyo matanda na kasi kaya iba din sa panahon ngayon dahil marami na rin mga uso na gamit para kay baby. Di ko alam kung ano mararamdaman ko bilang ina dahil si MIL naman ang nasusunod. Di ko na alam mga mii. Selfish bako? OA? O tama lang dahil mas marami silang alam kesa sakin. Para sakin gusto ko po matuto magpalaki ng bata, excited din po kasi ako 1st baby. Mali ba ung pag iisip ko? PPD po ba ito? Iyak din ako ng iyak nung kinukuha anak ko. Pa advise na rin po mga miii. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Its not a PPD kasi naramdama ki din yang nraramdaman mo nung nkatira pa kami kay MIL. BTW ako ay father ng babies namin. Kung PPD yan ay hnd ko sna nramdaman kasi pang babae lang ang PPD. Madami din sinasabi MIL ko nun pero kinokontra ko. Ngkasagutan pa kami ni misis at dineretsa ako kung ano ba problema ko kay MIL bakit ganun ung way ko skanya. Sabi ko ganun naman ako sa parents ko na pinipilit ko gusto ko or kung mali sila ay sinasabi ko tlga na hnd tama un. Si MIL ko kasi nun ung pgkakarga ko kay baby sinisita nya, tapos nglalaro kami ni baby at tuwang tuwa naman si baby ay sinita nya na hnd daw dapat kinakarga si baby ng ganun. Tinanong ko tuloy si MIL ko kung anu masama dun, sumagot naman sya na ganito ganyan ang mangyayare, tinanong ko ulit kung pano mangyayare un kasi hnd ko maunawaan ung sinasabi nya, tapos hnd na nya maexplain saken at npahiya ata, un inaway na ako ng misis ko. Konting iyak pa nung baby nun kukunin na saken tapos sasabihin sa baby at ipaparinig sayo na "bakit ka pinapaiyak baby, kawawa ka naman, hnd kasi nila alam ginagawa nila sayo, ganito kasi dapat ginagawa sayo, pinapaiyak kna naman, maghapon kna umiiyak, di kna tumitigil umiyak". Sa asar ko nun pinahiya ko ulit si MIL nung umiyak si baby at gusto nya kunin sinabi ko na ako nlng muna mgpapatahan kay baby na umiyak. Dun ngstart na din sya madala nun at hnd n basta basta sumusugod sa kwarto.

Magbasa pa
2y ago

Ganyan na ganyan po mil ko sir. Konting iyak ni baby susugod agad sa kwarto at kukunin sakin. Tapos sasabihin “kinukulong ka sa kwarto baby” “tara labas tayo” ni wala man lang paalam sakin basta nalang kinuha si baby. Tapos di po nila pinapatulog kasi kinakausap palagi. Pagdating sakin bagsak si baby sarap ng tulog

i feel you sis ganyan den ung MIL ko date dame den bawal,pamahiin etc. parang sya nalang nasusunod akala mo anak nya anakko napaka strikto syempre iba naman ung panahon nila noon sa ngayun syempre mas maniniwala ako sa doc. den pagdating sa anak ko kesa sa minzan sinsabe nya lalo na doon sa bigkis. sumama den loob ko non nong sinbi ni MIL ko sa mama ko na pag daw matigas uLo ko kukunin daw nila anak ko ,, ee talaga ba wula silang karapatan sa anak ko kahet MIL sila mas ako ung maykarapatan kc ako ung nanay edi gusto nila balik ko nalang ung anak nila sa kaniLa at ayus lang sakin kong kame lang ng anak ko ang magkasama kaya ko naman ee incase na ganOn gawen nil itataga ko naman sa bato ee ni kahet anino ng anak ko nd nila makikita talaga ilalayo ko talaga sila. prinangka ko den ung asawa ko non ee kc lage den pabor un sa mama nya lahat ng sinasabe nasunod din kaya sinbihan ko asawako na incase man na magkagulogulo kong sino ang pipiliin nya ung poder ng mama nya o kameng mag ina nya salamat naman at kame ang pipiliin nya. kaya mahirap talaga ung nakikitira ka sa bahay ng MIL nakikisama ka pero may times talaga na napupuno kana dahil sa gusto nila ung nasusunod andoon na tayu sa concern den sila sa apo nila pero bakit tayu ba na nany gusto ba naten ipahamak ung mga anak naten nd naman ee haistt! bute nalang nakabukod na talaga kame

Magbasa pa

You have to be firm and set boundaries. Talk to your husband about your feelings. Di mo naman kamo minamasama yung tulong ni MIL pero sana mas malaki yung chance na ikaw ang hands on sa bata. Ask husband to talk with MIL. If magagalit si MIL, then leave her house. Namyenan din po ako for more than a year, pero kasi pinakita ko sa byenan ko at sa ate ni hubby (every day bumibisita sa baby ko nung newborn pa) na alam ko ang ginagawa ko at palagi ko sinasabihan ng, "sabi ng pedia". Basta firm ako. Pag ayaw ko, wala sila magagawa kasi pinaparamdam ko na ako dapat ang masunod sa anak ko. Mahilig sila sa self medication, nagalit ako nung isang beses kasi paulit ulit na dapat ganito ganyan. Buti na lang yung pedia ng anak ko magaling mag explain sa akin kaya ganung ganun din ang sinasagot ko sa kanila. Pati ung oils bawal yan, gusto nila lagyan ng oil si baby pag naliligo sabi ko no sabi ng doctor. Bahala sila magtampo.

Magbasa pa
2y ago

Firm din ako sa mga desisyon ko pero itong asawa ko kinokontra ako lagi sa harap ng nanay niya sarap tuktukan. Pinagbibigyan ko lang naman dahil kakauwi lang galing abroad MIL ko so hinahayaan kong sulitin niya si LO pero grabe na yung kaba ko dahil simula ng dumating si MIL dito nagkasakit anak ko never nagkasakit anak ko ngayon lang. kaya naiinis ako pag kinokontra ako

where's your mom? anyway it's not okay. While it isn't bad to see your mil to show love to your child it isn't okay for them to take control. leave the house. IDK if it's only for our family. Pero pag may nabuntis yung boy family member namen, we send the girl sa bahay ng parents nila to make them feel comfortable, unless the preggy is more comfortable living with us, the in-laws and pag Ang buntis is girl sa family namen. even if the girl is leaving with the in-laws pinapauwe namen sa bahay so we can take care of them. We let them go a few months after childbirth or a year after childbirth. Iba pa din pag Kasama ni pregnant mommy Yung parents Niya to take care of her during pregnancy and help her after childbirth compare sa in-laws,. if Wala ka Ng parents sorry about that. if ever, leave the house. Bumukod kayo.

Magbasa pa

hindi namn po murkit matanda sila mas maalam na sila, lalo sa mga paniniwala nila,. si mama ko din makikipag talo ako saknila pag sinsabi nila na ordinaryo lang daw ung pag lungad o suka ng baby, kasi baby ko 3weeks na pero di pa na ranasan lumungad, breast feed ako. kinukumpara nila sa ibang bby anak ko na nag lulungad sa sobramg busog, at mas lalaki daw ung bata pag ganon, di nila alam kaya lumulungad dahil sa overfeed at maling position ng pag papa dede.. di naman na da digest agad ng baby ang fomula like sa bfeed. sasabihin pa na maliit dede ko kaya di sapat ung gatas na nakukuha saken, eh ung pedia nga di pinansin dede ko sya pa nga nag sabi na i bfeed ko lang si baby at wag na i formula, kasi sasabay daw un gatas ko kay baby basta continue latch lang si baby.

Magbasa pa

ify momsh ganyan din mil ko then pag may nangyari sakin din sisi di niya ko pina breastfeed kasi nong nanganak ako wala kong gatas kaya nasanay baby ko sa bottle then pina-pump ko naman sumakit lang yung binti ko kasi ngalay ay hallah siya mamsh wag na daw ako mag padede ganyan ganto edi sige sinunod ko tas may mga bagay na ayaw kong gawin niya sa baby ko nag tatampo siya so hinayaan ko pero ngayon na may tunog pag tulog si baby sabi niya pilay then di ko sinunod nag matigas ako this time na mag pa check up sa doctor kasi ayaw ko talaga ipahilot tapos yun sabi sipon daw yun and normal lang sa baby yung nagugulat dati ok naman mil ko sakin pero kala ko lang pala HAHAHA kasi pinaplastick lang pala ako.

Magbasa pa

Hi mii. i think yes it's a part of PPD pero mas lamang yung gusto mong proteksyunan and mas maalagaan si LO, gusto mong ibigay sa kanya yung mga nauuso hehe gets kita Mii. same situation tayo before pero ngayon ako na nasusunod sa baby ko. Be firm lang, sabihin mo lang ng malumanay na "ako na po, kaya ko pa naman po". Mas maraming time na nasosolo kong naaalagaan si Baby kaya kapag kailangan ko ng kumain or maligo nag uunahan sila kung sino magbabantay o magbubuhat o laro kay Baby 🥰 magkakasama lang kami sa bahay pero sabik na sabik pa rin sila sa apo/pamangkin nila. LABAN Mii dami pang exciting moments na pagdaraanan 🥰

Magbasa pa

magsalita ka kung alam mung naaapakan ka in a way na may paggalang pa rin ,una sa lahat HINDI KA PAGAWAAN NG ANAK ng 9 months para sila ang masunod pagkalabas nito, you have the right to say anything to them kasi ikaw pa din ang INA. wala sa experience yan, sa instinct mo po iyan kung anu ang need ng bata, kasi ikaw ang nagbigay buhay sa kanya. isa pa mag research ka din sa internet ,magbasa basa ng mga articles dito or kahit saan tungkol sa pagpapalaki ng bata. para pag nag comment sya may MAISASAGOT ka magalit na sya kung magalit, anak mo yan ikaw pa din ang MAY HULING SALITA JAN.

Magbasa pa

i feel sad pag nakakabasa ako ng mga ganitong problema....ang swerte ko kasi di ganito mga inlaws ko....sobrang supportive at nag sasuggest pero never nakialam...every weekend at everytime free sila kinukuha ang anak ko ng umaga binabalik ng hapon,pinapasyal,binibili ng mga bagay na feeling nila maging masaya yong bata...kahit tutol ako kasi ang mamahal...pero since yon ang kasiyahan nila ok lang...how i wish lahat ng inlaws maunawain at supportive...fight what you know is right mi...besides own family mo namn yan you have all the right.kaya mo yan..fighting,!

Magbasa pa

I've experienced that kase tumira kame sa MIL ko for 3 months after giving birth, sobrang pakekelam. Kaya ang ginawa ko non dahil my bahay naman kame na pinapaayos, pina rush ko talaga. Ang sabi ko lang basta matitirhan na namen, go na. Kase kung hindi pa kame bubukod baka mabaliw ako sa papakelam niya hahaha kaya isa talaga sa natutunan ko sa pagaasawa is bago kayo mag-anak, kailangan my bahay kayo na sarili niyong titirahan. Mahirap makisama. Madami silang sinasabe na makaluma na masyado at hindi na nagwwork sa generation naten. Hahaha.

Magbasa pa
2y ago

Ako naman ang nahihiyang hiramin baby ko kasi laging hawak ni mil simula nung pinatira kami sa bahay nila kasi newborn wala pa kaming kasamang mag aalaga. Hindi ko makasama ung baby ko laging hawak ni mil 🥺🥺🥺