Pa advice naman po mga mima πŸ˜”

Yung MIL ko po ang nasusunod sa kung paanong way alagaan si baby. Alam ko naman po na mas marami siyang alam sa pag aalaga ng bata. Kahit ayoko, wala ako magawa. Si mil din madalas mag karga kay baby. Dun muna kami pinapatuloy sa bahay nila para may kasamang mag alaga. Pero nawawalan na ko ng gana na bumili ng mga gamit ni baby kasi halos lahat ng nabili ko, sinasabi niyang bawal muna gamitin kay baby. Mapa damit/essentials ni baby may nasasabi siya. Medyo matanda na kasi kaya iba din sa panahon ngayon dahil marami na rin mga uso na gamit para kay baby. Di ko alam kung ano mararamdaman ko bilang ina dahil si MIL naman ang nasusunod. Di ko na alam mga mii. Selfish bako? OA? O tama lang dahil mas marami silang alam kesa sakin. Para sakin gusto ko po matuto magpalaki ng bata, excited din po kasi ako 1st baby. Mali ba ung pag iisip ko? PPD po ba ito? Iyak din ako ng iyak nung kinukuha anak ko. Pa advise na rin po mga miii. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mii. i think yes it's a part of PPD pero mas lamang yung gusto mong proteksyunan and mas maalagaan si LO, gusto mong ibigay sa kanya yung mga nauuso hehe gets kita Mii. same situation tayo before pero ngayon ako na nasusunod sa baby ko. Be firm lang, sabihin mo lang ng malumanay na "ako na po, kaya ko pa naman po". Mas maraming time na nasosolo kong naaalagaan si Baby kaya kapag kailangan ko ng kumain or maligo nag uunahan sila kung sino magbabantay o magbubuhat o laro kay Baby πŸ₯° magkakasama lang kami sa bahay pero sabik na sabik pa rin sila sa apo/pamangkin nila. LABAN Mii dami pang exciting moments na pagdaraanan πŸ₯°

Magbasa pa