Pa advice naman po mga mima πŸ˜”

Yung MIL ko po ang nasusunod sa kung paanong way alagaan si baby. Alam ko naman po na mas marami siyang alam sa pag aalaga ng bata. Kahit ayoko, wala ako magawa. Si mil din madalas mag karga kay baby. Dun muna kami pinapatuloy sa bahay nila para may kasamang mag alaga. Pero nawawalan na ko ng gana na bumili ng mga gamit ni baby kasi halos lahat ng nabili ko, sinasabi niyang bawal muna gamitin kay baby. Mapa damit/essentials ni baby may nasasabi siya. Medyo matanda na kasi kaya iba din sa panahon ngayon dahil marami na rin mga uso na gamit para kay baby. Di ko alam kung ano mararamdaman ko bilang ina dahil si MIL naman ang nasusunod. Di ko na alam mga mii. Selfish bako? OA? O tama lang dahil mas marami silang alam kesa sakin. Para sakin gusto ko po matuto magpalaki ng bata, excited din po kasi ako 1st baby. Mali ba ung pag iisip ko? PPD po ba ito? Iyak din ako ng iyak nung kinukuha anak ko. Pa advise na rin po mga miii. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You have to be firm and set boundaries. Talk to your husband about your feelings. Di mo naman kamo minamasama yung tulong ni MIL pero sana mas malaki yung chance na ikaw ang hands on sa bata. Ask husband to talk with MIL. If magagalit si MIL, then leave her house. Namyenan din po ako for more than a year, pero kasi pinakita ko sa byenan ko at sa ate ni hubby (every day bumibisita sa baby ko nung newborn pa) na alam ko ang ginagawa ko at palagi ko sinasabihan ng, "sabi ng pedia". Basta firm ako. Pag ayaw ko, wala sila magagawa kasi pinaparamdam ko na ako dapat ang masunod sa anak ko. Mahilig sila sa self medication, nagalit ako nung isang beses kasi paulit ulit na dapat ganito ganyan. Buti na lang yung pedia ng anak ko magaling mag explain sa akin kaya ganung ganun din ang sinasagot ko sa kanila. Pati ung oils bawal yan, gusto nila lagyan ng oil si baby pag naliligo sabi ko no sabi ng doctor. Bahala sila magtampo.

Magbasa pa
2y ago

Firm din ako sa mga desisyon ko pero itong asawa ko kinokontra ako lagi sa harap ng nanay niya sarap tuktukan. Pinagbibigyan ko lang naman dahil kakauwi lang galing abroad MIL ko so hinahayaan kong sulitin niya si LO pero grabe na yung kaba ko dahil simula ng dumating si MIL dito nagkasakit anak ko never nagkasakit anak ko ngayon lang. kaya naiinis ako pag kinokontra ako