Sobrang nadudurog ang puso ko

6days post partum Ewan mga mii pero siguro OA lang ako. Nagdecide kasi mil ko na lumipat kami sakanila pansamantala. Pero ayoko talaga. Sobrang naiiyak ako di ko mapigilan.l. Para daw masamahan kami mag alaga. Pero sakin ok lang kahit walang kasama kasi kakayanin ko lahat para kay baby ko. Pero wala naman akong magawa kasi un ang gusto nila para sa bata at payag din ang asawa ko.di ko na alam gagawin ko. Sobrang excited din nila kasi first apo. Isipin niyo na mga mii na selfish ako.. ewan nadudurog ang puso ko mga miii🥺

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I also suggest na umuwi ka nalang sainyo, gaya ng sabi ng isang comment mi kapag offer siya feel free to decline. I also had the same experience 1st apo din nila. Worst 3 weeks of my life, yes mabait sila, aalagaan ka (not sure ha kase sa akin feeling ko anak ko lang talaga gusto nila) unlike nung nakauwi kami samin at nagpunta na si mother ko nakakain na ako ng maayos at may lasa. Nakakapanghina ron feeling ko lahat ng gawin ko may sinasabi sila (meron talaga madalas) kaya kesa magkasamaan kayo ng loob. Feel free to decline and just go home. Ako rin nagpumilit na umuwi dahil nabibingi ako sa bunganga ng mama niya at ng nga kapatid ng mama niya. Sadly lumayo loob ko sakanila. Ngayon ang madalas nalang bumisita ron eh si LIP at so baby. Ayoko na rin talaga tumagal dun, nababadtrip lang ako. Totoo, lumalabas ugali nila kapag nakasama mo sila sa iisang bahay.

Magbasa pa

Ok lang siguro kung mababait ang inlaws mo mii. Ako naranasan ko yan sa 1st born ko. Simula nanganak ako andun na ako inabot na ng 3 months sa loob ng 3 months na yun nakilala ko ang ugali nila. Ang hirap makisama, namayat ako dun kasi limited lang yung kain ko kasi nahihiya ako. Breastfeed pa naman ako dati sa panganay ko. Yun kasing tatay ng asawa ko ultimong kasambahay ng anak nya sinasabing malakas daw kumain mahagot daw sa bigas. E anu pa ako na angbbreastfeed di ba. Gabi gabi din ako umiiyak nun dahil feeling ko nag iisa ako. Yung mister ko kasi ay sa probinsya namin nagwowork. Kaya after binyag ng anak ko umuwi na kami sa amin sa probjnsya di na ko pumayag mag stay ng matagal. Ang hirap makisama, nararamdaman ko minsan na di nila ako gusto.

Magbasa pa

Ito din gsto ng MIL ko mabait namn sila wla ako masabi khit ppno naktlong nong bdrest ko kc buntis ako sa 2nd baby nmin at me 2 yrs old son ako. Pro mas bet ko parin na bukod kmi after nong bedrest ko umuwe rin kmi ng panganay ko dto samin ksama asawa ko... Pg nsa MIL kc ako ng hihina ako d qko makakilos mas masrap kilos2x dn minsan tpos dka mag iisp na bka ano na ini isp ng MIL kc lge nka higa etc e wla nmn dn ako ggwin don kc ung kapatid ng Mr ko tambay namn sya katulong ni MIL sa lhat ng gawain...

Magbasa pa

Wag kang papayag sis!!! Ako na nagsasabi sayo mahihirapan ka and yung baby mo dimo maaalagaan ng maayos. Lagi silang may masasabi sayo. Tandaan mo sis lalabas talaga totoong ugali nila once na nakasama mo sila sa iisang bahay. Hindi mo magagawa yung mga gusto mo once na kasama mo sila. Hindi mawawala sakanila yung mga pamahiin. Usap nalang kayo ni hubby na kaya mong alagaan si baby and hindi mo minamasa yung tulong ni mil. ☺️ kami nga di nakabukod. Kakastress!! 😭

Magbasa pa
2y ago

Sabihin mo nalang sis napahinga po muna kayo ganon or sabihin mo na kay hubby

Kung hindi mo bet ang MIL mo, it gives you that feeling na ayaw mo lumipat, Pero kapamilya mo n din sila so kailangan mo makisama. ikaw na ang nagsabi na pansamantala lang muna at first apo nila yan. Wag mo ipagdamot bear in mind na anak mo yan kahit anong mangyari so Go for it at need mo din ng pahinga kahit sabihin mo na kakayanin mo lahat for your baby. Pero syempre ikaw pa din ang mag decide if ayaw mo talaga kausapin mo ang partner mo at ang MIL mo.

Magbasa pa

nasa ganitong situation ako ngayon, grateful ako sa pag aalaga nila sa baby ko dahil kailangan ko ng pahinga pero minsan hindi ko na ramdam na ako ang nanay ng anak ko. nakakainis, nakakastress, umiiyak ako sa sama ng loob pero tinitiis ko. matagal pang pagtitiis to, ang tagal ko pang naka maternity leave. wag kang papayag lumipat sa bahay ng mil mo kung ayaw mo matulad sa akin.

Magbasa pa
2y ago

naranasan ko yan sa panganay ko dun pa kame nakatira sa parents ng partner ko and halos di ko na maalagaan si baby kase na kay mil siya lge. siya at yung kapatid na babae ni partner lge may hawak kay baby. ayaw ibigay saken, sa gabi pag umiiyak kinukuha naman ni mil si baby at pinapatulog niya sa tabi niya. tapos pag may kapitbahay tinatanung siya kung kaninong anak yung baby sinasabi niya sa kanya dun talaga ako inis na inis. napaka insensitive lang. kaya di magaan loob ko sa kanya dahil dun 😅 buti ngayon sa bunso ko nakabukod na kami. bumibisita na lang kami paminsan-minsan sa mil ko pero ayaw ko talaga nagtatagal dun gusto ko uwe agad. hahaha

Hi, it's okay to feel whatever it is that you are feeling right now. Feelings mo yan eh :) I do hope you'll feel better though. Try to look on the bright side , if okay naman MIL baka eventually may kaagapay ka sa pagbabantay kay LO. Demanding, tiring and draining mag alaga ng newborn, it's always a blessing when someone offers their help lalo na pag nangangapa ka pa.

Magbasa pa

well para sakin depende...meron namang mga inlaws na mabait...tlgang gusto lang nila na malapit sa apo nila since first apo...bigyan mo muna ng chance.....and lawakan mo pang unawa mo....may mga advantages at dis anvantages yan pero you must know sang part mag react..and maganda din yong kalakihan ng bata ang magandang relation sa mga relatives niya...

Magbasa pa

buti nga po kayo kasama nyo pa din si baby ako within 1 and half month mapapalayo na si baby and every weekend ko na lang makikita sa twing maiisip ko naiiyak na lang ako kaso need namin pareho magtrabaho kung may choice lang ako na magkakasama kami at may magaalaga sa kanya sa umaga willing naman kong magpuyat sa gabi kahit nagttrabaho sa umaga

Magbasa pa

For me sis if ayaw mo dont go. kasi saaken ganyan nung umpisa after 21 days na andun ako, iyak na ako ng iyak at talagang sobrang gusto ko nalang bumalik saamin. Hindi ako nakatulog. Depende pa din po sa in laws mo pero makita mo naman how they go with you. ito naman po ay experience ko.