Pa advice naman po mga mima πŸ˜”

Yung MIL ko po ang nasusunod sa kung paanong way alagaan si baby. Alam ko naman po na mas marami siyang alam sa pag aalaga ng bata. Kahit ayoko, wala ako magawa. Si mil din madalas mag karga kay baby. Dun muna kami pinapatuloy sa bahay nila para may kasamang mag alaga. Pero nawawalan na ko ng gana na bumili ng mga gamit ni baby kasi halos lahat ng nabili ko, sinasabi niyang bawal muna gamitin kay baby. Mapa damit/essentials ni baby may nasasabi siya. Medyo matanda na kasi kaya iba din sa panahon ngayon dahil marami na rin mga uso na gamit para kay baby. Di ko alam kung ano mararamdaman ko bilang ina dahil si MIL naman ang nasusunod. Di ko na alam mga mii. Selfish bako? OA? O tama lang dahil mas marami silang alam kesa sakin. Para sakin gusto ko po matuto magpalaki ng bata, excited din po kasi ako 1st baby. Mali ba ung pag iisip ko? PPD po ba ito? Iyak din ako ng iyak nung kinukuha anak ko. Pa advise na rin po mga miii. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I've experienced that kase tumira kame sa MIL ko for 3 months after giving birth, sobrang pakekelam. Kaya ang ginawa ko non dahil my bahay naman kame na pinapaayos, pina rush ko talaga. Ang sabi ko lang basta matitirhan na namen, go na. Kase kung hindi pa kame bubukod baka mabaliw ako sa papakelam niya hahaha kaya isa talaga sa natutunan ko sa pagaasawa is bago kayo mag-anak, kailangan my bahay kayo na sarili niyong titirahan. Mahirap makisama. Madami silang sinasabe na makaluma na masyado at hindi na nagwwork sa generation naten. Hahaha.

Magbasa pa
3y ago

Ako naman ang nahihiyang hiramin baby ko kasi laging hawak ni mil simula nung pinatira kami sa bahay nila kasi newborn wala pa kaming kasamang mag aalaga. Hindi ko makasama ung baby ko laging hawak ni mil πŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ₯Ί