Pa advice naman po mga mima πŸ˜”

Yung MIL ko po ang nasusunod sa kung paanong way alagaan si baby. Alam ko naman po na mas marami siyang alam sa pag aalaga ng bata. Kahit ayoko, wala ako magawa. Si mil din madalas mag karga kay baby. Dun muna kami pinapatuloy sa bahay nila para may kasamang mag alaga. Pero nawawalan na ko ng gana na bumili ng mga gamit ni baby kasi halos lahat ng nabili ko, sinasabi niyang bawal muna gamitin kay baby. Mapa damit/essentials ni baby may nasasabi siya. Medyo matanda na kasi kaya iba din sa panahon ngayon dahil marami na rin mga uso na gamit para kay baby. Di ko alam kung ano mararamdaman ko bilang ina dahil si MIL naman ang nasusunod. Di ko na alam mga mii. Selfish bako? OA? O tama lang dahil mas marami silang alam kesa sakin. Para sakin gusto ko po matuto magpalaki ng bata, excited din po kasi ako 1st baby. Mali ba ung pag iisip ko? PPD po ba ito? Iyak din ako ng iyak nung kinukuha anak ko. Pa advise na rin po mga miii. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Its not a PPD kasi naramdama ki din yang nraramdaman mo nung nkatira pa kami kay MIL. BTW ako ay father ng babies namin. Kung PPD yan ay hnd ko sna nramdaman kasi pang babae lang ang PPD. Madami din sinasabi MIL ko nun pero kinokontra ko. Ngkasagutan pa kami ni misis at dineretsa ako kung ano ba problema ko kay MIL bakit ganun ung way ko skanya. Sabi ko ganun naman ako sa parents ko na pinipilit ko gusto ko or kung mali sila ay sinasabi ko tlga na hnd tama un. Si MIL ko kasi nun ung pgkakarga ko kay baby sinisita nya, tapos nglalaro kami ni baby at tuwang tuwa naman si baby ay sinita nya na hnd daw dapat kinakarga si baby ng ganun. Tinanong ko tuloy si MIL ko kung anu masama dun, sumagot naman sya na ganito ganyan ang mangyayare, tinanong ko ulit kung pano mangyayare un kasi hnd ko maunawaan ung sinasabi nya, tapos hnd na nya maexplain saken at npahiya ata, un inaway na ako ng misis ko. Konting iyak pa nung baby nun kukunin na saken tapos sasabihin sa baby at ipaparinig sayo na "bakit ka pinapaiyak baby, kawawa ka naman, hnd kasi nila alam ginagawa nila sayo, ganito kasi dapat ginagawa sayo, pinapaiyak kna naman, maghapon kna umiiyak, di kna tumitigil umiyak". Sa asar ko nun pinahiya ko ulit si MIL nung umiyak si baby at gusto nya kunin sinabi ko na ako nlng muna mgpapatahan kay baby na umiyak. Dun ngstart na din sya madala nun at hnd n basta basta sumusugod sa kwarto.

Magbasa pa
2y ago

Ganyan na ganyan po mil ko sir. Konting iyak ni baby susugod agad sa kwarto at kukunin sakin. Tapos sasabihin β€œkinukulong ka sa kwarto baby” β€œtara labas tayo” ni wala man lang paalam sakin basta nalang kinuha si baby. Tapos di po nila pinapatulog kasi kinakausap palagi. Pagdating sakin bagsak si baby sarap ng tulog