PRIVATE, PUBLIC HOSPITAL or LYING-IN CLINIC?

Where are you planning to give birth and why did you choose this one? And magkano po sabi sa inyo na magagastos? Thank you for sharing your thoughts ?

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Just gave birth sa 2nd baby ko 2 days ago, Lying in nalang ako nanganak. Mas prefer ko na since 2nd baby ko na I know what to expect kapag manganganak na ko. And mas kampante kasi puro buntis lang din naman nagpapacheck up hehe then ayun nung nanganak ako, ako lang pasyente that time wala akong kasabay as in buong stay namin sa clinic parang private na nirent namin yung lugar. May sariling room naka aircon and all. Hindi stressed kasi ikaw lang inaasikaso ng mga mababait na staffs, maya’t maya chinecheck kung ok ka lang and baby. Kasama ko pa si husband all throughout ng process. Sobrang ok experience ko sa 2nd kesa nung nag ospital ako sa 1st baby ko. 10k+ lang binayad less philhealth na yun :) kasama na pati take home medicines sa package.

Magbasa pa

Lying in this time kasi I don't want to worry about being exposed sa ibang patients na baka may Covid. At least sa lying in, lahat tested, limited interaction and exposure, and feeling ko mascomfortable kasi hindi sya kasing busy ng malalaking hospital. Pero kung nagkataon na wala kaming nahanap na ok na ob and lying in clinic, we would've gone sa private hospital, pero di pa rin ako ganon ka-panatag kasi masmalayo din sila from us compared sa lying in. Estimate ni ob as long as I stay healthy and kaya normal delivery would be 25k if walang Philhealth. Still the cheapest among our options, and gusto ko mag-explain si dra. I had a normal and uncomplicated pregnancy and childbirth sa una so I'm ok with giving birth sa lying in.

Magbasa pa
VIP Member

2nd baby ko din to and plan ko din sa lying in manganak. first, I opt for unmedicated birth this time gusto ko natural lahat walang induce induce na sobrang sakit, 2nd less toxic ang paligid kasi walang maraming nurse at doktor na masungit, 3rd parang mas peaceful pag sa lying in, 4th makakasama ko asawa ko habang naglalabor hanggang lumabas si baby sa private kase bawal and gusto ko si hubby magputol ng umbilical cord ni baby and gusto ko maexperience yung unang yakap which hindi ko naexperience sa panganay ko nung sa private ako nanganak.

Magbasa pa
3y ago

hi sis, nagpapacheck up ako sa ospital (OB ko) at the same time sa lying in din(midwife). para whatever happens pareho akong may record both lying in and hospital. di kase basta2 tumatanggap ng patient sa hospital pag wala kang record doon, in case of emergency.

Hospital po ako mommy since first time ko..nakaprivate po kami ni baby mas panatag kasi ako lalo pa si OB ko talaga nag paanak sa kin. Pinagready nya ko ng 35k-45k pero nagready kami ng 100k just in case na Emergency CS but thank God mas malaki posobility na Normal Delivery inabot po ng 53k hospital bill namin less na philhealth. Saka nakapainless labor po ako kasi hindi ko kaya ung sakit nung 6cm na.

Magbasa pa

Hi, momshie! I gave birth in a private hospital where my OB is affiliated with. We spent around Php 50k for normal delivery (without PhilHealth and with swab tests pa). Luckily, ako lang yung nanganak so less exposure sa ibang tao. Plus, hindi tumatanggap ng COVID positive yung hospital where I gave birth.

Magbasa pa

If walang pandemic i'll choose hospital, pero since kalakasan ng pandemic noong nanganak ako, I've chosen yung lying in near our residence kasi lesser exposure sa tao at sure na puru buntis lang ang patient unlike in the hospitals, overly exposed sila sa different variety of patients.

VIP Member

mas bet ko lying in lalo na Kung normal Naman Yung pagbubuntis mo. Kasi nag try ako magpacheck up sa private hospital Kasi Yun gusto Ng MIL ko ayun ang Mahal Lang Ng gastos. Pero lying in ako nanganak may philhealth ako tas nagbayad Kami 3k kasama na Yung 1 week na injection ni baby dahil nakakain Ng poops

Magbasa pa
4y ago

blessed angel po name Ng lying in napinag anakan ko. 1st baby po 3.8 kilos tas 40 weeks and 5 days po ako nung nanganak

if you're around manila, i suggest st jude general hosp with dra rona ricafrente (ob). 30k normal, 50k cs less Philhealth na. 300 lang monthly check up may libre ka pang maternity milk and vitamins every check up. kaya sulit na sulit bayad. napakamabait pa na ob.

4y ago

Hi mommy 👋🏼 Ask ko lang kung nanganak ka na po? How much po nagastos mo po? Same Doctor po kasi tayo Im thinking baka may hidden charge or what.. Para mapaghandaan ko din sana.. Thank you 💛 Keep safe always 💛💛

kung walang pandemic. hospital private or public kahit ano sa 2 eh may pandemic sa may malapit na private lying in sa amin dun malang ako nanganak painless 20k kung walng Phil health 12 pag meron + 1k sa rapid test at another 1k kung mag papabantay ka rapid test din

VIP Member

Before po sa lying in kami nagpapacheck up since nakakatakot po sa hospital. But napagisipan po namin mas complete ung facility sa hospital saka sa hospital po ung napili naming OB. Nagtanong na po kami ng range since nagstart po kami magpacheck up para makapag ipon po