Hi mga momsh Yung 5 month old baby ko ANG Hina niya umihi. Malakas Naman po Siya dumede mix feeding po Siya. Napansin ko din kanina yellowish na malagkit po Yung nasa may diaper niya. Kinakabahan tuloy ako🥺 may nakaexperience na po ba Dito Ng ganito? Umiihi Naman po Siya Pero Hindi tulad Ng dati na malakas po Yan Lang po ihi niya sa diaper from 12 Ng tanghali hanggang 10pm po #1stimemom #pleasehelp #advicepls #firstbaby
Read moreKanina ayaw dumede Sakin Ng baby ko direct latching Hindi ko alam Kung bakit masakit na Yung Dede ko Kasi naipon na Yung milk pero pagpinapadede ko siya ayaw niya at nagwawala Siya🥺. Pero ilang oras na siyang Hindi dumidede at mukang gutom na siya tas ang lalim Ng bunbunan niya. Tas nung tinimplahan namin ng gatas ininom Naman niya. Ano kayang possible reasons mga momsh? Sino po nakaexperience Ng ganun pashare naman po. 9 days nalang mag lilimang Buwan na po si baby ko and mix feeding po Siya Pero nasa isa hanggang dalawa Lang po Ng formulated naiinom niya the rest po is Sakin na.#pleasehelp #1stimemom #advicepls #firstbaby #Recommendationsthread
Read moreEDD: OCTOBER 3 DOB: OCTOBER 8, 2020 3.8 kilograms via normal delivery (lying in) Meet my over due baby 😇 candidate for CS na po ako dahil sa huling ultrasound Niya is 3.8 kilos na estimated weight Niya. Tapos na over due pa siya pero thank God di Niya kami pinabayaan. Oct. 1 hanggang October 4 na stock ako sa 1cm. Next check up ko is Oct. 7 around 4pm 1-2cm palang ako. Sinabihan nako na hihintayin ako hannggang bukas kapag di pa din ako nanganak CS na irerecommend sakin Sabi sa lying in. Pero nung October 7 pag uwi ko galing check up nagtuloy tuloy na Yung sakit na minonitor ko whick is 5 mins interval Ng sakit pero Kaya pa naman. Hanggang nag 1am na ganun pa din at nag decide Yung partner ko na dalhin nako sa lying in. Ayoko pa nung una Kasi nagdodoubt ako na baka 1-2cm pa din ako pero pumayag nako. Sobrang lakas Ng Ulan pero go pa rin, after ako ma IE Sabi 4cm na. So pinatulog Muna ako para may lakas daw ako umiri. Pero Dina ko nakatulog Kaya naglakad ako at nag squat walang patid Yun hanggang nag 5am Pag IE sakin 5cm palang. Hanggang nag 7 am pag IE sakin 8cm na daw at nakakaloka daw Kasi naglalakad lakad pako at nag ssquat. After ko malaman na 2cm nalang kailangan ko tinodo ko pa lakad at squat ko, masakit na siya at napapahinto ako tuwing aatake Yung sakit tas after nun lakad at squat pa din. Pag IE sakin Ng 10am 10cm na daw tas pinabayaan muna ko Ng 20 mins Kasi dipa masyadong bumaba si baby. Hanggang sa nanganak nako mga momsh at gulantang ako Kasi nakakain na siya Ng tae, tas parang bulok na inunan Niya. Pinitik pitik pa siya tas nilagyan saglit Ng oxygen hanggang sa tuloy tuloy na iyak na Niya. Napakabuti talaga Ng Panginoon 😇 ngayon dalangin namin Ang tuloy tuloy na pag galing Ng mga tahi ko at ang isang linggo na turukan Ng baby ko. #firstbaby #1stimemom #pregnancy #theasianparentph
Read more