Just want to share po kasi natatakot talaga ako for my baby. Nalaman ko lang na buntis ako nung 4 months na. Akala ko kasi delay lang ako pero may kutob na talaga ako na buntis ako pero di pa ko sure kaya nagpacheck up ako and sabi ng doctor 18weeks na daw akong buntis. Then yun na nga, before ko malaman na buntis ako, lagi akong nagmomotor and one time di ko nakita yung humps kaya tumalbog talbog ako. Tapos, mahilig din akong mag coffee sa umaga pero 1 cup a day lang naman po. Tapos there's this one person na naiinis talaga ako, eh duling sya huhu natatakot talaga ako. And then, birthday ng bestfriend ko kaya nakainom din ako ng alak pero konti lang naman. Tapos nilagnat ako and sobrang sakit ng katawan ko kaya uminom ako ng alaxan fr para sa sakit ng katawan and biogesic para sa lagnat. Natatakot ako sa kalalabasan ng baby ko, naiisstress na ko. Lagi ko nalang pinagpepray na sana normal and healthy si baby paglabas nya. Tapos di ko pa nainom yung mga nireseta ng doctor na gamot sakin kasi may UTI daw po ako and anemia. Pano po kaya yun? Ano kaya mangyayari kay baby huhu