Pregnancy Experience
Share ko lang yung experience ko mga mi. 🤍 I have PCOS and hindi talaga ako nireregla. Tapos mga last week ng Dec sumasakit puson ko, sabi ko sa mga kaibigan ko baka buntis ako kasi hindi rin ako nireregla kahit iniinom ko ng softdrinks para reglahin na kasi nasakit nga puson ko. Then sabi nila “Hindi yan”. Pero ang magulang magaling talaga. Magaling makaramdam sa anak, pinagpapacheck-up ako sa OB ng magulang ko pero di nya sinasabi kung bakit. Di rin ako nagtatanong dahil baka nga sa PCOS at di rin ako nagkakaron pa ilang buwan na. Pero di ako nagpacheck-up. Sabi ni Nanay sakin nung alam ko nang buntis ako ay dahil daw iba daw ang pang-amoy ko pero di ko yon nahahalata. Hahah Almost 3years na din pala kami nagtatry magkababy. Then after New year, naisipan ko lang magPT. Usually 1 pt lang binibili ko, pero this time, hindi ko alam 3 pt ang binili ko. Hahahah January 2 nagPT na ako. Sobrang laking gulat ko nung makita kong positive. Kasi lagi ako nagpPT nasanay nakong negative e. Tapos ayun, nagamit ko lahat ng PT na binili ko kasi hindi nga ako makapaniwala. 😅 Agad agad akong nagpacheck-up. And positive talaga sya 😇🤍 Grabe talaga. Sobrang thankful ako dahil hindi ako nagkakaron tapos almost 3yrs na din nagtatry magbaby hindi rin nagpapacheck up at walang iniinom na gamot pero biglang ito na, binigay na sa akin si Baby. Akala ko talaga hindi na ako magkakababy pero iba talaga kumilos si Lord. Yun lang guys. Heheh share ko lang. Kayo ba? Anong experience nyo? 😊