Anxiety

Just want to share po kasi natatakot talaga ako for my baby. Nalaman ko lang na buntis ako nung 4 months na. Akala ko kasi delay lang ako pero may kutob na talaga ako na buntis ako pero di pa ko sure kaya nagpacheck up ako and sabi ng doctor 18weeks na daw akong buntis. Then yun na nga, before ko malaman na buntis ako, lagi akong nagmomotor and one time di ko nakita yung humps kaya tumalbog talbog ako. Tapos, mahilig din akong mag coffee sa umaga pero 1 cup a day lang naman po. Tapos there's this one person na naiinis talaga ako, eh duling sya huhu natatakot talaga ako. And then, birthday ng bestfriend ko kaya nakainom din ako ng alak pero konti lang naman. Tapos nilagnat ako and sobrang sakit ng katawan ko kaya uminom ako ng alaxan fr para sa sakit ng katawan and biogesic para sa lagnat. Natatakot ako sa kalalabasan ng baby ko, naiisstress na ko. Lagi ko nalang pinagpepray na sana normal and healthy si baby paglabas nya. Tapos di ko pa nainom yung mga nireseta ng doctor na gamot sakin kasi may UTI daw po ako and anemia. Pano po kaya yun? Ano kaya mangyayari kay baby huhu

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same situation sakin momsh. 17 weeks na na nung nalaman ko pregnant ako. Inom inom pa ko beer nun kasi di ko alam. Tinatapakan ng pamangkin kong 6 mos old yung tiyan ko, tumatalon talon pa. Di ako nagkaka-kain, natadtad pa sa byahe nung nag bakasyon kami, umakyat pa bundok. Kaya medyo worried din sa kalagayan ni baby. Pero all we have to do is to pray, na sana, normal at healthy ang baby natin despite sa mga nagawa natin nung di natin alam na buntis tayo, tsaka bawi ka ngayon momsh, ngayong alam mo na. Doble ingat at alaga na sa sarili para okay si baby. Basta pray ka lang palagi.

Magbasa pa

Kalma. Congenital Anomaly Scan usually mga 20weeks or above, hanggang 28weeks siguro pwede. Sabihin mo lahat sa OB mo ng concern mo. Ngayong alam mo na ang pagkukulang mo, bumawi ka. Itama mo. Lahat ng kailangan mong prenatal vitamins o gamot na sinabi sayo ng OB mo, inumin sa tamang dami at bilang ng araw. Kumain ng maayos. Coffee is fine naman, wag lang masyado, or unless ipagbawal sayo pansamantala. Uminom ng maraming tubig, magpahingang maigi pag may time. Pray kay Lord 👍

Magbasa pa
VIP Member

Okay lang ung pagmotor, hindi ka naman nakunan, iwasan mo na lang sumakay ngayun alam mo na. Tapos ung coffee okay lang din 1 cup a day lang naman. Di rin naman totoo ung sa duling. Pero yung gamot sa UTI itake mo. Tapos take all the necessary vitamins and tests. And regular check up sa OB mo. Be thankful, blessing yan si baby. Maraming gusto magkaanak na hindi nabibiyayaan. Have a positive outlook na lang. Everything will turn out okay. 👍

Magbasa pa

Ako nga po 33weeks nung nalaman kong buntis ako kasi may PCOS ako at di ko alam na buntis na ako kasi walang symptoms. .. Ayun Beer dito, yosi, party, antibiotics, cough syrup, pain relievers etc. But thank God So far normal si baby ko, physically, brain, kidney, lungs at heart.. Nakakaparanoid po talaga kaya take your vitamins na.. Sana safe at normal babies natin ☺️

Magbasa pa
5y ago

Srsly po? 33 weeks?

Ngayon alam mo na buntis ka, pwede ka pa naman bumawi kay baby, umpisahan mo sa pag inom ng gamot sa uti and for anemia. Si baby din apektado kapag hndi nagamot ang uti at anemia mo. Regular checkup sa ob, inumin mo kung ano mga nireseta sayo ng ob mo, Kain ka healthy foods at mdaming water and prayers sis para sa inyo ni baby. 🙏

Magbasa pa

Yung mga hinde dapat wag mo muna gawin. Ako kahit softdrink bawal ako uminom para healthy si baby kahit coffee wag muna. Pahinga ka din lagi and lakad lakad. Wag ka mag momotor alam ko masama sa buntis yun.

VIP Member

Momshie pray ka, at wag na masyado magisip kase nakakaapekto din po sya sa pagbubuntis mo, bawiin mo na kain ka ng healthy at sundin mo ob mo sa mga gamot mo, congrats din po, 😊

Ako din yung 1st month ko nakainom pa nga ko ng alak tas puro softdrinks at unhealthy foods ako kaya medyo kabado rin pero lagi lang ako nag pe-pray, mag 3 months palang ako.

Sundin mo po yung OB mo sa mga pinapainom niya kasi delikado ang UTI sa baby. The rest ng fears mo okay naman. Ingat ka na lang ngayon, now na alam mo na na buntis ka

Wag ka po magworry ng sobra, mas makakasama yan kay baby. Pacheck up ka na po sa ob and pwede ka magrequest ng CAS. makikita dun if may problem si baby