Worried mommy here huhu

Hello Mommies, 6mos preggy napooo ako . Pero 5mos kona po nalaman na buntis ako, kundi pa sabihin sakin nh lola ko. Pero sobrang natatakot ako kasi sa loob ng 5mos ko na di alam na buntis na pala ako, puro ako inom ng alak puyat walang kain, pag may masakit sakin inom agad ng gamot. Pero makapit si Baby naggym din pp ako tapos bago yung araw na sabihin sakin na buntis ako nag bike papo ako 4hrs tapos sumakit ng sobrang sakit katawan ko kinabukan pinag check nako sa Ob na 5mos na nga daw . Sabi naman ng doctor okay naman siya but still nag woworry parin ako, kasi baka may effect sa anak ko yung alak. #pregnancy #1stimemom #firstbaby #advicepls

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

3 months ko naconfirm n buntis ako pero may feeling na ako nun, feeling preggy ako and may notice din kapatid ko sakin pero baliwala lang ako kasi irregular mens ko eh usually 2 months di ako nireregla kaya parang wala lang ako. And those 3 months na di ko alam buntis ako every week umiinom ako ng alak for like 3 to 4 times a week with my partner, nagyoyosi din ako kasi nga stress sa work nuon graveyard pa shift naming dalawa. Bigla ako pumayat and di ko nguatuhan kasi hindi na maganda tignan pagkapayat ko nun nd very pale pa ako dahil sa pagsusuka na akala ko ay acid reflux kasij nga may history alo sa tiya ko. Yun na pala buntis na ako, buti nga lakas nv kapit ni baby sobrang nagiguilty ako kaya bumawi ako nung nalaman ko na buntis talaga.

Magbasa pa

Hello mommy. Ako po 5 months na nung nalaman kong buntis ako. Nagbubuhat pako nun kapag naglalaba ako tapos nightshift pako sa work. Super irregular kase ako at may PCOS kaya diko talaga nalaman agad. Nagworry ako. Ang ginawa ko, nagpa CAS ako para malaman ko kung may defect ba si baby or may problema ba sa pagbubuntis ko and thank God wala and super healthy ni baby nung pinanganak ko nung January 3 :) If gusto mo po mapanatag talaga, pwede ka po magpa CAS :) Mej pricey po pero worth it :) And moving forward, iwas po muna sa makakasama sa baby kahit ang stress. Go to your OB and take your prenatal vitamins :)

Magbasa pa
VIP Member

Bawi ka na lang sa vitamins at maternal milk pati prayers. Me too 18 weeks ko na nalaman na buntis ako. Nakainom din ako nung ng ilang beses ng gamot.. Thanks God! Healthy baby ang naisilang ko. Ganyan talaga kapag may Pcos. Ps. Wala akong any symptoms na buntis ako except sa irregular menstruation. Kaso may pcos ako kaya kala ko wala lang. Pss. Nakapag paxray pa ako dati, nagpakulay ng buhok, standing sa bus at pumipila sa sakayan ng dyip

Magbasa pa

same sa asawa ng pinsan ng asawa ko di rin nya alam nun 5 beses pa mag kape sa isang araw pag ireg ang regla minsan di talaga mapapansin may time kasi na di rereglahin kala mo may sakit kalang yun pala buntis na mag pa cas ka pag tungtung mo 7 months para masure mo na okay talaga sya since di kana nakapag prenatal tas ang dami mo pang nagawa na di pwede sa buntis CAS ULTRASOUND lang para malaman mo 😊

Magbasa pa

ako po 3mons. mahigit ko nlaman na buntis ako, irregular kac ang mens ko, kea dqu nlaman agad, nung dqu pa alam nainum din ako ng alak, lagi lipas ng pagkain, nagmumutor din po ako nun, tsaka nakainum ako ng gamot nung cnisikmura ako, na un na pala symptoms ng morning sickness ko, sa awa naman ng dyos, normal nmn baby ko, mag.8yrs.old na sya ngayun,

Magbasa pa

grabe 5months bago mo nalaman bkt sobrang tagal?? iregular ba mens mo? hndi ka dn nag taka na ganun katgal wla kang mens? ngayon alam muna ingat na lng alaga sa vitamins at fruits para makabawi ung baby mo sa mga bisyo mo.. goodluck mommy sna wlang masamang side effect sa baby mo un gamot na nainom mo... pray lang sa safety ni baby..

Magbasa pa

ako mag 4months ko ng nalaman nag iinom din ako nun at araw araw akong nabyahe kasi may work ako stress pa sa work minsan. okey naman baby ko kada check up ko. kada Ultrasound ko high lying cephalic maman sya at anterior.

sorry ha, talaga bang di mo alam? dika man lang naghihinala kasi kahit sabihin mo na wala kang selan, iba pa din pakiramdam ng buntis at ibang tao pa magsasabi sayo na buntis ka.

4y ago

may ganon talaga sobrang rare pregnancy, yung iba manganganak na nalalaman.

Same 2months na nung nalaman ko na preggy ako. Lagi ako nalilipasan ng gutom, stress sa work, nakainom ng gamot at nakapagpa xray pa sa abdomen. Kaya nagrequest din ako ng CAS.

Now that you know you are pregnant. make sure mo nalang na puro healthy foods ang kainin mo, and take your vitamins as prescribe my your Ob.