โœ•

191 Replies

VIP Member

YES naman. Number one thing na ibigay natin sa partner natin ay yung tiwala. Wag tayo negative agad, na kesyo ganito nangyayarinsa iba, kesyo malayo o kesyo matagal bumalik. Kapag nagfocus ka na agad sa negative side at nagco-conclude ka na. Tendency is, lagi ka nalang magdududa, lagi ka nalang manghihinala, lagi ka nalang mapaparanoid. Be positive enough that things will work well between you. Yes, makakaranas din naman ng struggles pero second thing you should remember after giving your trust is that, in everything... always remember na as a team kayo lagi. Get each others back, support each other and most importantly, have faith that this journey will be a success and worthy โค๏ธ

Hmm depende sya sa tao at kung gaano katotoo yung tao at ikaw sa tao Syempre loyalty at trust Di mawawala yung may maninira sa relationship nyo. Nung naging kmi ni hubby 1 week p lng nagabroad na sya Naghintay ako ng 18 months para makita at makasama ulit sya Sa loob ng 18 months maraming pagsubok at discouragements na nangyare kase balak nya ako pakasalan pag uwi nya So syempre tukso everywhere pero loyal sya at loyal din ako Iniisip ko ipagpapalit ko ba sya sa panandaliang sarap kesa sa habang buhay na ligaya Ayun so far mag 1 year na kming kasal this December 19 at im 18 weeks preggy Nung ikasal kmi 2 months lng kinuha na nya ako para makasama overseas

8 years kaming LDR. Nag Saudi siya at ako nag Singapore. Weโ€™ve been together since 2007. And now we are happily married. 11 years of togetherness and 2nd Anniversary namin sa December 31. At dadating na ang aming pinalangin sa February 2021๐Ÿ™๐Ÿฟ May nakakasurvived sa pagiging LDR kung pipiliin nyo ang isaโ€™t isa araw araw. Magpatawaran at sikaping kalimutan ang pagkakamali ng bawat isa. Mahalin ang lahat lahat maganda at pangit na katangian ng bawat isa, huwag sumuko at alalahanin kung ano ang nasimulan. Forgiveness and prayers ay very effective sa successful na relationshipโ˜บ๏ธ Love love love!! โฃ๏ธ

Yes posible po.. LDR po kami ng husband ko.. ngkakilala kmi nung nasa abroad sya tapos after 1 year ngbakasyon sya at pumunta sa province namin tapos naging kmi and he stayed for a week then bumalik na sya sa aborad ang after 1 year ulet umuwi sya at ngpakasal na kami. After ng kasal namin bumalik ulet sya since bakasyon lang nya yun at binigyan sya ng company ng mas mahabang bakasyon since magpapakasak nga kami. Ngayon mg anniversary na kami, mgkasama na and 4 months pregnant. So I can say na its really possible basta nka focus lang kayo sa isat isa and sa goal nyo.

Kaya naman basta loyal at faithful sa isa't isa. 3 months pa lang kami ng hubby ko, nag simula sya mag abroad. Tapos kada 2 years uwi. 7 years na kami ngayon, ni hindi pa kami nakakapag celebrate ng Anniv, Xmas, New Year na magkasama. Pero nananatili pa din dun yung trust at love. Importante din communication, send pic ng food mo, nasaan ka, sino kasama mo etc.. kahit matulog naka videocall ganern. ๐Ÿ˜… Tska lahat pinag uusapan kahit mga kinky. ๐Ÿคช Nakakatuwa lng din dun is pag vacation nya, super sweet pa din kami kasi sinusulit namin yung oras na magkasama kami. ๐Ÿ˜Š

Possible po pro dpende prin po sa inyong mg asawa..kmi ng asawa q mg 6 yrs na kming LDR at 3 yrs bgo cya nabigyan ng bkasyon ng amo nya pro ok nman kmi..kailangan lng ng tiwala at maaus na communication na din.. daily routine na nmin ung morning and evening video call kht nga lunch break eh minsan kht nsa work place nag uusap kmi pg wla amo nya..so far wla nman kmi naging problema aside sa mga maliliit na bgay na normal nman sa mg asawa..thankful din aq kc hndi cya mhilig gumala pg day off nsa b-house lng nla..kailangan lng tlga ng trust and constant communication..

Yes po. Seaman po partner ko 11months to 1year kontrata. Dami nagsasabi seamanloloko daw pero para sa akin kahit ano pa propesyon o work mo kung manloloko talaga manloloko talaga yan. 4yrs. and 4months na po kami and 7months pregnant na po ako ngayon and onboard sya ngayon. Trust, loyalty and pagiging faithful sa isa't isa ang susi sa LDR plus si God na lagi nyo kasama sa relasyon nyo. Mahirap kasi need magtiis para sa future and tinanggap ko ng buong buo yun na kada uuwe sya 2-3months lang sa lupa tapos dagat na ulit. Keep fighting lang mga LDR couples. โค๏ธ

LDR kmi ng hubby ko for 2yrs.. nasa Oman sya.. sep 2015 nging kmi tapos dec 2015 nung umalis sya.. late ng 4hrs time nila dun.. everyday ngvivideo call kmi.. 10pm sya ntatapos sa work nya kya ako 2am na lging ntutulog.. sa 2yrs na ldr kmi ngbreak din kmi ng isang beses nung 2017.. pro 2 months lang ung break namin.. umuwi sya dec 31, 2017.. for good na un kase sabi ko dito nlang sya sa pinas magtrabaho.. tapos may 2018 ngpakasal nkami.. feb 2020 ipinanganak ung panganay namin..๐Ÿ˜Š

VIP Member

LDR na kami ni husband before getting married, and until now na 6yrs married na kami. At first mahirap dahil sa 8-hour time difference. Nagvivideocall kami every day kahit sandali lang. Mas madali na ngayon through social media. ๐Ÿ’— Communicate regularly - kahit simpleng pangangamusta ๐Ÿ’— Send photos of each other and your kids ๐Ÿ’— Celebrate occasions virtually ๐Ÿ’— Be wise in spending ๐Ÿ’— Plan your schedule and expenses tuwing uuwi siya para masusulit ang time at funds niyo

Depende sa partner mo kung d babaero. Kami kasi laging magkausap pero dnya matanggal tanggal ung pgiging babaero nya, pag May nagkagusto sa knya, parang Hindi nya matanggihan ung babae, pag nahuli ko, ako pa sisisihin nya. Kaya yun nagising nalang sya na cold nako sa knya. 6 years kami mag jowa nasa Macau sya nasa pinas nman ako. Every year nlang May babae , new year , new girl, new life ang peg nya. Kaya naghanap din ako ng new, at un na partner ko ngayon magkakababy na kami .

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles