191 Replies

As for me. LDR kami ng partner ko. 3yrs then netong last na uwi nya nabuo na si Baby unexpectedly. Then sadly, after 4months saka ko nalaman may ibang babae na pala sya. Wala ginawa parents nya kasi malaki kita nya at nag bibigay si Ex sa family nya. Wich is parang pera pera nalang. Nag hiwalay kami when I found out. Then kalaunan lumalabas pa ako ung masama. Na kasalanan ko bakit kami nag hiwalay dahil tamang duda daw ako at hindi totoo na may iba sya. Even tho may mga proofs na ko na meron nga syang kinasamang iba while working abroad. The sad thing is, alam nya at sya lang din naka una sakin nung nag do kami. Tapos ngayon pinamamalita nya sa iba na hindi nya daw to anak. Which is masakit para sakin. So para sakin super hirap pag LDR, now I'm currently 35weeks pregnant. Kinakaya ung buhay kahit na walang father ung baby ko. But still wala akong pinag sisisihan kahit na nawala ung regularization ko sa work ko dahil nabuntis ako at sobrang selan na di ko na kinaya mag work. Kahit na sobrang na disappointed sakin ibang family members namin. Kahit na pinag chichismisan na ko ng ibang kapit bahay namin at ng ibang tao o mga ka batchmates ko. Ok lang. Kasi sobrang laking Blessing naman ung pag dating ng baby ko sa buhay namin. Wala man syang kilalaning ama sa ngayon alam ko dadating din ung tamang tao para samin na nilayo lang kami ni Lord sa maling tao kaya ganito ngyari samin pero still alam ko may reason si God kaya ganito ngyayari. And I'm super grateful din kasi sa kabila ng lahat ung mama ko naka suporta sakin from the start at kahit na alam ko mahirap hindi nya ko sinukuan ☺💛 Kaya mga momsh. Kung ano man po mga pinag dadaanan natin kayanin natin. Kasi lahat may dahilan, mag tiwala lang tayo kay Lord. Ngayon maaring dapa tayo at feeling useless pero soon at right time tayo naman ung tatayo at ibabangon natin sarili natin para sa anak at sa mga mahal natin 💛

Godbless ❤️

Yes, it's possible mamshies, like us.😊Seafarer ang mister ko at ako ay isang Stay-at Home nanay.😁 Trust, Communication, Understanding and Love for each other are the keys for me, for us ng husband ko. Unang-una ang tiwala sa isa't-isa dahil yun ang magpapatibay sa samahan ninyo kahit anong pagsubok pa dumating. Communication, maging open sa bawat isa, kahit ano pa yun, kahit sa napakaliit na bagay dapat open kayo sa lahat at syempre kasama don ang respeto. Understanding, di madali ang magkalayo kayo ng partner mo, parehas kayong nakakaranas ng pangungulila sa isa't-isa pero pinili ninyo yun para sa kinabukasan ninyo lalo na ng mga anak nyo kaya dapat lagi kayong mag-uunawaan sa lahat ng bagay. At syempre Love para sa isa't-isa kasi kung mababawasan yon, ibig sabihin kulang kayo sa tiwala, komunikasyon at unawaan. Give and take lang. Walang madali sa LDR pero nairaraos naman. Kung pamilya ang nasa isip lalo na future ng mga anak ninyo, kakayanin ninyo lahat. Walang imposible lalo na kung sasamahan pa ng Prayers at Faith kay Papa God.😊🙏 Kaya nila, kaya namin kaya mas kakayanin nyo. 😊🥰

Depende po sa mag partner. Kahit magkasama kayo or magkalayo, kung matatag ang love sa isa't isa at may commitment talaga, magtatagal ang relationship. It is not a question of distance but a question of faith. 🙂 Almost 2 Yrs LDR, college student pa lang po ako nun (20yrs. old) at si hubby (18yrs. old) ay out of school youth minimum wage earner. Everyone was against our relationship dahil sa living status difference, pinaghiwalay to make sure na makakapagtapos ako ng pagaaral at makakapasa sa CPA board exam. Unfortunately, I failed the board exam but I did not blame him. He did his best to support me emotionally and di sya naging sagabal sa pag aaral, instead, nagsikap siya sa work nya and nag grow as an individual. When I started working, mas napadalas ang pagkikita namin since he works at QC and I work at Makati. Kung kailan mas nagkakasama na kami, saka kami nagkaroon ng maraming problema at pagaaway, so it's not the distance talaga. Pero ending natanggap na sya ng family ko, we were married June 2019 aged 25 and 23 and will have our first baby this December. Stay faithful everyone! ❤️❤️

failed Yung LDR relationships ko. but I learned na napaka hirap Niya gawin Lalo n pag d kayo jive ng plano sa buhay. both professional Kmi.. nurse siya sa ibang bansa. ako nurse dto. ayoko na umalis.. katamad mag aral ska mag board exam at mag exam ng Kung ano ano pa.. isama mo pa Yung pressure na Hindi ka pwedeng mag kamali sa profession na pinasukan namin. gusto ko na lumagay sa tahimik at mag settle down. siya career Ang nasa isip niya at syempre kumita. I decided na tigil na. mag kaiba na Kasi Kmi gusto.. Hindi naging madali dahil siya Yung ayaw bumitaw at ayaw din naman mag adjust, gusto Niya ako Ang pumunta dun or mag kaka anak kmi and babalik siya dun once a yr lng siya uuwi. (ayoko Ng ganung set up) at ayaw din Niya mag work dto dahil mababa nga Naman sweldo.. at the end nag kasakitan lng kmi.. hehe in short love is not enough , kailangan Isa talaga kayo ng vision ska gusto patunguhan para mag tagal.

Stay connected lang sa partner mo mommy. 10 months kami ng hubby ko nung nangibang bansa, almost 5 years siya doon pero hindi naging madali yung pagsubok na po yun samin kase putol putol communcation namin. Akala ko hindi na magwowork relationship namin hanggang sa bigla siyang umuwi akala ko hindi ako ang uuwian niya kase natural na babaero si hubby dahil may itsura siya. Pabalik balik nalang si hubby sa ibang bansa at pinangako namin sa isat isa na kahit anong mangyari hindi dapat maputol o mawala communication namin hanggang sa nasanay na kami pareho. Ngayon, 7 years na kami at magpapakasal na may isa na rin kaming baby. Happy family na kami at babalik na naman ulit si hubby para mangibang bansa para sa kinabukasan ng anak namin at sa mga susunod pang anak. Tiwala lang sa isat isa at communication para sa matagumpay na LRD relationship.

VIP Member

Yes posible..lahat naman ng nangyayari sa buhay ng isang tao always may choice kaya choice mo yun kung anong path ang pupuntahan mo..kami ng hubby ko HS sweetheart kami pero nag break before grad. then nag college different school and after 4yrs bigla kaming nag karoon ng contact sa isat isa.. bf ko sya that time nasa Japan sya ng 2yrs and 2months LDR nag work sya samin oo di madali ilang beses sinubok yung patience yung faith yung love and yung trust namin sa isat isa pero nag work until dumating sya and nagpakasal kami..ngayon mag kakababy na kami this MAY2020..sabi nga ng asawa ko "everything happens for a reason", kaya always put GOD in the center of your relationship..If you included him hindi ka makakagawa ng anumang kasalanan sa partner mo LDR man or hindi..

VIP Member

Ilang beses din kami naging LDR ng husband ko before. Di pa kami kasal nung time na yun. Pero inintindi ko siya dahil para sa aming dalawa naman yun para sa future daw namin. Pero dumating ang time na napagod ako at nagtampo dahil feeling ko lagi niya ako pinagpalit sa work niya mas pinipili niya ako iwan so kay decide ako na much better kung maghiwalay. Kung makahanap man siya iba dun okay lang dahil hiwalay na kami. But before he left for Manila we had a heart to heart talk and we were able to patch things up. Umuuwi siya once a month or ako pumupunta ng Manila. And now... we are happily married after 7 years and expecting our first baby na. We are both Manila-based now. COMMUNICATION IS THE KEY. Kung wala nun everything follows and everything will fail talaga.

VIP Member

Yes. Kung loyal yung both sides at mas inuuna ang family kesa sa libog. YES na YES! It's not me. It's my parents. Every 2years sila bago magkita kasi capitan ng barko dad ko. My mom is an accountant manager.. Nagwork sila ng nagwork. Bahay at work lang sila both. Taz pag umuuwi dad ko tyaka kami maga-unli layas. Minsan nga mas healthy pa di magkasama ang magasawa kasi mas mabilis mag-sawa. According to my parents. Kaya mas gusto nilang magkalayo. Now, na retired na silang dalawa mas gusto nila magkalayo at once a week na lang sila magkita para di sila magsawa pa ng tuluyan My dad is staying in the provice while my mom is doing business in the city. They're almost 30yrs na'ng married. Wala pa naman sakanila ang nagloloko.. or may anak sa labas. Ahaha

I like it hahaha. Same situation with my parents They're better when they're apart. Kapag magkasama kasi sila lagi sila nagaaway. I dunno how, pero mas magandang magkahiwalay talaga sila haha. Walang may anak anak sa labas or kabit kabit pa naman 😂

My Husband is a seaman. We’ve been together for almost 9 years and then I got pregnant last August. Umalis sya ng January 2021 and he’ll be back by November. Due ko na sa May and wala sya sa panganganak ko. Yes masakit and and mahirap but still thankful ako kasi we have constant communication and hindi sya pumapalya. Pag uwi nya 6 months na si baby, nakakalungkot na di nya makikita yung pag laki ni baby pero kailangan lang ng tyaga and mahabang pang unawa. Palakasin loob ng bawat isa. Kasi hindi nya din naman kagustuhan yon. Always pray lang and be brave. Thankful ako kasi yung pgbabago nya hindi worst kundi nagbago sya lalo for the better. LDR works basta may pang unawa sa bawat isa and lahat napag uusapan. 🤍

yes po. nasa inyo mag asawa paano mag give and take ng time sa isat isa. ako nga taon kami hindi nagkikita ng hubby ko.pero yung communication niya namin sa isat isa everyday everytime. time to time sya my oras.dumarating din yung time na nag aaway din kami kahit malayo kami sa hindi pagkakaintindihan.. pero andun parin nmn nakakakabalita sya sa Dalagang anak namin. nag kakachat sila then ayun. hindi nman din kasi natin minsan matiis lalo na nakasanayan lagi kayo mag kausap via internet.2001 gang now nakasanay ko na namin ng anak ko na LDR kami.basta tiwala lang sa itaas kay Lord.hindi tayo pababayaan. mag pakatatag at ipag dasal ang pag iingat mg mga partner natin na malayo satin.😊☝

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles