anti tetanus

Tanong lang po, masakit din po ba yung balikat nyo nung ininjectionan kayo ng anti tetanus? Sakin po kasi nung sabado ako tinurukan until now masakit pa din balikat ko. Salamat sa sasagot

79 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hndi masakit.. parang wala lang sa akin.. pinamassage kasi skn ng obgyne ko in circular motion habang dinidiin ko ung bulak sa mismong pinagturukan nya.. ang weird nga kasi ung kaibigan ko halos lagnatin pa.. mas masakit pa ung skin test na ginawa bago ininject skn ung anti tetanus.. 😊

VIP Member

Dapat nung paguwi mo nung Saturday, naglagay ka agad ng hot compress. Hindi ba sinabi sayo nung medtech? SOP yun ah. Konteng tiis lang, mawawala din sakit ng braso mo. Basta sa 2nd turok mo, hot compress agad. Kapag namaga sa gabi, cold compress naman.

VIP Member

Nagka ganyan din ako nung first turok ko don’t worry po mawawala po yan. 1 week nga po ngalay pakiramdam ng kamay ko non at masakit i angat o kahit igalaw ng konti hindi ko daw po kasi ginalaw galaw agad nung pagka turok sakin

Opo masakit parang feeling na ngangqlay. Gnon po siguro 3days dn tinagal nong sakit skn. Akala ko hndi siya sasakit ng kasi ang gaan ng kamay ng doctor ko hahaha dko naramdaman na natusok n pla nya

Yes po. Medyo masakit ksi ung gamot un. Pero sakin non after ng bakuna ko nilagyan ko ng mainit na tubig ung cotton balls tapos dinadampi q sa bakuna mga 2days wala na ung sakit

Normal po.. Ako din eh.. Halos 1week tinagal nung sakit ng braso ko nung 1st inject.. Pero tolerable naman po sya para sakin.. Ihotcompress nyo po

Hindi sumakit sakin kc nilagyan muna ng ice pack ung braso ko bago turukan. Para mamanhid. Mas masakit pa ung hepa B, nagka pasa pa. 😅 hahaha

Yes sis. Sakin kasi combination w/ anti diptheria. Sobrang bigat kala ko nung una wala lang after an hour ayun masakit na. Naglast ng 3days.

un first shot masakit umabot 4days sakit ng balikat ko then pakiramdam ko nilalagnat ako..un 2nd shot di na gaano masakit

VIP Member

Mabigat talaga pakiramdam kapag oil based sis. Normal lang yan saken umabot ata 4 to 5 days yung sensitivity ng braso ko

Related Articles