Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
mom of one
!!
Hello po sa mga normal delivery mommies! ilan bwan po bago gumaling tahi nyo? Ako po kasi 1 month na pero masakit padin di ko pa masyado kaya tumayo ng mahabang oras kasi masakit padin hanggang ngayon, malalim daw po ang tahi ko. Sabi ng OB ko at lahat ng nurse na nag checheck sakin nung nasa ospital palang ako sinabihan nila ako na sana nagpa CS nalang daw ako kasi malalim daw sugat ko madadala daw po agad ako sa panganganak ? nung nawala anestesia na tinurok nila sakin isa o dalwang linggo ako nag titiis sa sakit, grabe mas masakit pa sa pag iri ? share nyo naman po experience ng panganganak nyo di ko po kasi alam kung normal lang bang umabot ng isang bwan, puro CS kasi mga mommies na kilala ko. Yung mga normal delivery ko namang friends isang linggo lang daw magaling na agad kanila. Btw, tinurukan din po ako pampatulog habang tinatahi po nila ari ko. kayo din po ba?
Cyst in Left Ovary
Hello po, pag po ba na CS ka dahil may nakitang bukol sa ovary mo at kelangan operahan pwede pa po ba uli yun magka anak? at may way po ba para ma prevent pag laki nya? ☹️ 7 months pregnant po ako at nakitaan po ako ng maliit na bukol sa left ovary ko pero di pa alam kung cyst talaga kasi di po sya solid baka daw po tubig lang. I’m asking just incase maging cyst nga ito..and please pray for me na din po sana di na to matuloy na cyst ??? thank you po
6 months pregnant
Ano po dapat gawin pag sumasakit yung puson? di po sya yung sakit na cramps, feeling ko dahil sa kakalakad ko kaya ganto. Next week pa po kasi check up ko kaya di pa ko makakainom ng gamot na dapat inumin :(
Malikot
Normal lang po ba na malikot yung baby sa loob ng tyan? 5 months na po sya sa tyan ko. Minsan po kinakabahan nako sa pagiging malikot nya hehe minsan po kasi umaabot ng 5 seconds yung pagkalikot nya tapos titigil ilang segundo lang uli lilikot na po ulit sya pero paiba iba po ng pwesto nararamdaman ko po nasa kanan sya maya maya lang sa kaliwa naman po tapos sa puson banda tas biglang sa may bandang sikmura tas sa gitna, maiwas naman po ako sa chocolates kung kumain man ako paminsan minsan lang
Late matulog
Hello po, share ko lang po struggle ko ngayon. Bago palang po ako mag buntis may insomnia na po talaga ako, umiinom pa ako dati ng sleeping pills kasi dati more than 24 hours akong gising at ngayong buntis nako madalas 2am ako nakakatulog pero gising ko lagi 11am-12pm, yung matatanda dito samin kinokonsensya ako sinasabi nila “maawa ka naman sa baby mo matulog ka ng maaga” natatakot po ako pag naririnig ko yun kasi baka po kung ano ang mangyari sa baby ko kung mapipilit ko naman talaga, tutulog naman talaga ako ng maaga kaso di ko talaga kaya. May mangyayare po ba masama sa baby ko kaka tulog ko ng late? ☹️ PS. kumpleto naman po ako sa gamot ko at 2x a day po ako umiinom ng Anmum