Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
❤
Ihi ni baby
Mga mommies, breastfeeding po ako..sa tingin nyo po ba okay itong kulay ng ihi ni baby? Mejo dark yung pagkayellow ilang araw ko na din naoobserve ito.. sa may 18 pa po appointment namin sa pedia nya..pls be kind.. thank you po sa sasagot..
Breastfeeding mommies pls notice me!
Hello mommies . First time mom po ako.. i delivered my baby via cesarean section.. breastfeeding mom po ako, noong una may suporta pa ng formula milk kasi konti pa naproproduce kong milk pero lately po e exclusive breastfeeding na po nagagawa ko.. normal lang po ba na hindi pa po nagstart menstruation ko mula noong nanganak ako? Feb 13 po ako nanganak mommies.. hndi ko po matawagan obgyne ko e.. pls be kind with your words.. salamat po sa sasagot.. have a nice day..?
Ayaw dumede ni baby. pls advise po
Hello mga mommies.. first time mom po ako.. 2 and a half month old po si baby.. last night po 11: 30pm pa yung huling pagdede nya mga 1oz lang po siguro un kasi saglit lang.. mag 7am na po ng umaga ayaw nya po dumede sa akin.. nornal lang po ba ito na nangyayari mga momsh? Exclusive breastfeeding na po ako for 3 days.. pero may time na pinapadede ko sya sa bote pigeon peristaltic po yung teat at nagagawa ko lang ito kpag antok na antok na si baby yung d na nya namamalayan na sa bote sya dumedede.. worried na po ako kasi 7 hours na mahigit at ayaw nya dumede sa akin tingin ko gutom na sya kasi sinusubo n nya ung kamay nya.. tinatry ko po sya ifeed pero nilalabas nya ung dila nya at naiirita sya..naisip ko din na may nipple confusion na sya.. pa advise naman pls o pashare kung may same experience po kayo at kung ano ginawa nyo..naaawa ako kay baby tingin ko gutom na sya ? .. pls respect my post..salamat po..
bakit nagbago si baby?
Mga mommies.. si baby ko po humina magmilk.. mixed feeding po ako sa kanya.. 3 days na pong ayaw nya dumede sa bote.. usually po kaya nyang ubusin yung 4oz pero ngaun kahit 1oz ayaw nya gatasin tingin ko inaayawan nya ung nipple ng bote kaya searching po ako ngaun ng replacement..pigeon peristaltic plus ang teat ng ppsu bottle nya meron ding options plus na dr browns pero didikit pa lang sa lips nya ung teat e niluluwa na ng dila nya.. napansin ko din po humina din breastmilk supply ko.. pati si baby humina din magdede at tulog lang sya ng tulog.. normal lang po ba ito sa growing baby o dapat na akong magworry? Sa may 1 pa po visit namin sa pedia nya at d po nagrereply today si doc.. 2months and a half month old po si baby..first time mom po..
Mga momsh!!!
Bawal ba kumain ng laing ang kapapanganak? Breastfeeding po ako sabi bawal daw at baka makasama sa tyan ni baby. At mangangati daw ako. Di ako naniniwala e kasi nasasala naman ng ktawan natin ung mga kinakain natin kaya tingin ko safe naman un sa pagproduce ng milk. Wala din kasi dto sa app kakasearch ko lang kung bawal ba ang kumain ng gabi kapag breastfeeding. pero sabi kasi ng byenan ko naexperience nya daw mangati pati lola ko pinagbabawalan ako ? paborito ko kasi, lalo na yan ulam namin ngayon. Haha. pls respect my post. Thank you po..?
Mommies!!
Pang ilang buwan po ng baby nyo noong hindi na sya iyakin? Si baby ko kasi grabe kung umiyak kapag pinapalitan ng diaper at kapag pinapaliguan.. 1 month a week old po sya..
Hiyangan lang ba talaga sa formula milk?
Isa ba kayo sa mga nakailang palit ng brand ng formula milk? Anong reason at anong brand yung una nyong ginamit at sa anong brand kayo nag settle? Pwedeng pashare po ng story niyo ni baby??
Induced Labor
Why was it necessary? How was your experience? Please share your story.. ☺
Nasunod mo ba ang ideal age mo sa pagbubuntis/pag-aasawa?
Naalala ko lang bigla noong highschool student pa lang ako naitanong ng seatmate ko kung anong edad namin gustong mag asawa at magkaanak. 12 years old ako that time at ang sagot kong ideal age ko sa pag aasawa ay magstart ng 24 yrs old pataas, kasali na jan yung pagbubuntis.. ineexpect ko kasi na sa edad na yan e may trabaho na ako, may bf na at ready na kumbaga feeling ko matured na ako dapat sa edad na yan ? nasunod naman yung 24 yrs old pataas na ideal age ko, hindi nga lang eksaktong 24 yrs old kasi nagwork muna ako at inayos ko pa ang buhay ko dahil nga napagplanuhan ko naman ito.. hehe. Kayo po?
Due date ko na bukas..still no sign of imminent labor
Date posted: Feb 11, 2020 Due date ko na bukas.. still no sign of imminent labor I walk every morning and afternoon.. 30 to 40 mins.. 20 squats ang interval sa every 10 min walk.. 6 to 10 dates fruit ang kinakain ko every morning.. Ngayong araw binilhan na ako ng pinya, kakainin ko mamaya.. first baby ko ito at excited na ako pero mejo anxious din.. sa feb 13 ang balik ko sa obgyne ko for possible labor induction just in case hindi pa ako maglabor hanggang bukas.. Gustong gusto ko ng makarga, mayakap at mahalikan si baby.. ❤ Update> 4pm pansin ko parang madalas ang pagtigas ng puson ko.. halos every 10 mins.. naglalakad lakad ako ngayon habang kumakain ng pinya.. Update> 8:56pm nanonood ako ngayon, pansin ko mas madalas ang pag ihi ko.. ganun pa din halos every 10 mins tumitigas tiyan ko.. 10pm matutulog na ako, nafifeel ko malikot pa din si baby pero parang mas malambot galaw nya ngayon.. ihi muna ulit bago matulog Update> Feb 12, 2020 exactly 12am nagising ako kasi nangawit na ako sa pwesto ko sa paghiga at parang masakit puson ko.. change muna ako ng side pero naiihi ako kaya babangon muna ako.. 12:21 am masakit pa din puson ko para akong magkakadysmenorrhea.. sign na ba ito na malapit na akong manganak? Di ko naman nararamdaman na humihilab na tyan ko.. si baby sinisinok.. gumagalaw sya at mejo masakit hehe masikip na kasi talaga sa loob tapos tumitigas ulit tyan ko.. parang natatae ako.. parang kelangan ko umutot hehe..sleep muna ako ulit.. baka excited lang ako..? 4:48am nagising ako masakit talaga puson ko at natatae ako.. umaga talaga ako usually nagpopoop.. lagi akong nagigising kanina every hour yata yun dahil ramdam ko na masakit puson ko at sinasabayan ng pagtigas ng buong tyan ko.. tingin ko naglelabor na ako.. yung pain same pa din parang rereglahin lang pero may pressure na sa pelvic bone ko.. gumagalaw si baby..