Halak/Ubo/Sipon

Hi. Tanong ko lang kung may same dito kagaya sa baby ko. Last month kasi first time sya sinipon so binigyan sya ng pedia ng nasal decongestant kaya after few days gumaling na yung sipon nya. After a week, nagkaroon ulit sya ng sipon at may ubo na din. Pinacheck up ko sya at first sa center pero sabi observe lang, after 5 days pinacheck up ko ulit sya kaso sa general doctor kasi yung pedia nya hindi available. Binigyan sya ng meds para sa ubo, sipon, then antibiotic. After 1 week wala na yung ubo nya pero parang may tira pang plema kaya niresetahan sya ng pang nebulizer for 5 days. After nun, Ok naman na sya. Pero today parang may halak nanaman sya at konting sipon. Naaawa ako sa baby ko na puro gamot na lang eh. Ano ba pwede ko gawin? Di kasi sya breastfeed kaya feeling ko ang dali nya sipunin kahit may vitamins sya. ? Advice naman po.

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi sis, ganyan din baby ko huhu since 1st month then bumalik nung 3mos ngayon naman 5mos na sya, nasubukan na ata nya ibat ibang antibiotics 😔 breastfeed pa sya sakin ah, di ko din alam bakit ! sobrang nakakastress, sabi nila natutuyuan ng pawis,