HIPAG part 2
Storytime! So ito ulit hipag ko, may 2 yrs old syang anak na lalaki. As in ang advance ng speech development kasi 1 yr old ay nakakapagsalita na talaga. Bago mag 2yrs old ay nakakakanta na ng "Lupang Hinirang". Pero jusko ghorl, matalinong bata nga, napakasama naman ng ugali! π€¦π»ββοΈ New year's eve, edi sama sama kaming lahat. Kalong ko ang baby girl ko na kaka-1 yr old lang. Itong anak niya, may hawak na bola. Maliit na bola ng basketball, yung medyo matigas kapag puno ng hangin. Kitang kita ko na ibabato niya sa muka ng anak ko! Yes, malapit sya so imaginin mo na lang ang impact nun. Edi ako, mabilis kong kinuha ang bola sa kanya at tinago ko sa likod ko. Aba at ang demonyito, kinurot ako sa hita gamit ang dalawang kamay! At sa mismong harap ng kaniyang ina, yung hipag ko! Inexpect ko na may disiplinang gagawin kasi kita niya lahat ng nangyari e. Ang ginawa? Pinagsosorry lang ang bata. Yung bata, nagsorry nga pero sumisigaw. Tama ba naman yun? π€¦π»ββοΈ Ayaw ko na lang pakialaman ang parenting nilang mag asawa, pero maling mali ghorl! Matalino yung bata, advance, alam na nya yung mga ginagawa niya. Hindi excuse yung "bata po ako, di ko pa po alam" kasi alam na niya! Maraming instances nang nakita nin na alam na niya talaga. Sana naman dinidisiplina ng ayos kasi nakakaawa ang bata. Ni mag-please hindi marunong.π€¦π»ββοΈ Kayo, anong kwentong hipag niyo? π